Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu

Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu

  • Mariing pinabulaanan ni Jeric Ong ang mga espekulasyong may kinalaman sa kanilang relasyon ni Rita Gaviola
  • Nilinaw niyang hindi ang pisikal na pagbabago ni Rita ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan
  • Sinabi niyang isa lamang itong simpleng hindi pagkakasundo na kanilang aayusin at hindi ito content para sa social media
  • Nagpasalamat siya sa mga taong patuloy na sumusuporta kay Rita at hiniling na huwag nang palakihin ang isyu

Mariing pinabulaanan ni Jeric Ong, ang karelasyon ni Rita Gaviola, ang mga espekulasyong may kaugnayan sa kanilang relasyon, partikular na ang usap-usapang ang pisikal na pagbabago ni Rita ang naging ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan. Sa isang pahayag na kanyang inilabas sa social media, nilinaw ni Jeric na walang katotohanan ang mga haka-haka na ito.

Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu (PHOTO: Rita Gaviola aka Badjao Girl)
Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu (PHOTO: Rita Gaviola aka Badjao Girl)
Source: Facebook

"Makasalanan ang bibig lalo’t na kapag hindi natin kontrolado ang nangyayari, pero eto lang po sasabihin ko—aayusin po namin ‘to at hindi ‘to content. At sa mga nagsasabing dahil tumaba asawa ko o nagbago ang physical appearance niya, kahit kailan hindi ako bumase sa ganyang bagay," ani Jeric.

Read also

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu
Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu (PHOTO: Rita Gaviola aka Badjao Girl)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, isa lamang di pagkakaunawaan ang nangyari sa kanila ni Rita at gagawan nila ito ng paraan. Hiniling din niya sa publiko na huwag nang palakihin pa ang isyu at nagpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta kay Rita.

Si Rita Gaviola ay unang nakilala sa bansag na "The Badjao Girl of Lucena" nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 - Part 2: Teen Edition. Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Agad siyang nakilala sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan.

Si Rita ang nagwagi sa beauty contest sa isang episode nito sa "It's Showtime". Aniya, sumali siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino. Hindi rin niya ikinailang gusto niyang sumali sa iba pang pageant kagaya na lamang sa Miss Universe. Bukod sa kanyang pagsali sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition', unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang picture sa social media.

Read also

Jam Villanueva, nagbahagi ng saloobin tungkol sa self worth at moving on

Kamakailan, masayang ibinahagi ni Rita na engaged na siya sa kanyang partner at ama ng kanyang baby. Subalit matapos ito, naganap naman ang hindi inaasahang bashing na kanyang natamo habang siya ay naka-live selling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate