Precious Lara Su: "'Glad I'm the girl being talked abt and not the miserable one doing the talking"
- Naglabas ng cryptic post si Precious Lara Su matapos ang balitang isinampa ni Philip Laude ang writ of habeas data laban sa kanya
- Binahagi ni Precious ang mensaheng nagpapahiwatig na masaya siyang pinag-uusapan kaysa siya ang gumagawa ng negatibong usapan
- Inutusan ng korte si Precious na magbigay ng sagot sa mga alegasyon sa loob ng tatlong araw at ilahad ang impormasyon na kanyang hawak
- Lumaki ang kontrobersya matapos maglabasan ang mga screenshot ng umano’y pribadong pag-uusap nina Philip at Precious sa social media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng makahulugang pahayag si Precious Lara Su sa social media matapos ang balita tungkol sa pag-file ng writ of habeas data laban sa kanya ng negosyanteng si Philip Laude, asawa ng vlogger at socialite na si Small Laude.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Precious ang mensaheng, "Glad I'm the girl being talked abt and not the miserable one doing the talking." Sinundan niya ito ng isa pang post na may simpleng salitang, "Relax."
Ang writ of habeas data ay isinampa ni Philip sa Pasig Regional Trial Court upang protektahan ang kanyang karapatang pang-impormasyon laban sa umano’y ilegal na pagkalap at pagkalat ng sensitibong datos. Kasama sa kanyang petisyon ang paghingi ng pagpapasupil o pagtutuwid sa mga inilathalang impormasyon na diumano’y naglalaman ng mga pribadong usapan ni Philip at ng aktres.
Ayon sa mga ulat, ang isyu ay nagsimula noong Disyembre 2024 nang maglabasan ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y relasyon ni Philip sa ibang babae. Lalong lumaki ang kontrobersya nang magbahagi ang isang Instagram account, preciouslarra_su, ng mga screenshot ng mga umano’y pribadong pag-uusap nina Philip at Precious.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kasalukuyan, inutusan ng korte si Precious na magbigay ng sagot sa loob ng tatlong araw hinggil sa mga alegasyon. Dapat din niyang ilahad kung ano ang saklaw ng mga datos na nasa kanyang pag-iingat, pati na ang layunin ng pagkolekta nito at mga hakbang para mapanatili ang seguridad at pagiging kumpidensyal ng mga ito.
Samantala, tahimik pa rin si Small Laude tungkol sa isyu, habang inaasahang mas magiging masalimuot ang pagdinig sa kaso sa mga darating na araw.
Si Small Laude ay isang content creator na nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na YouTube vlogs. Dumami ang kanyang followers sa YouTube lalo na noong pandemya at nagkaroon ng lockdowns. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2 million subscribers sa YouTube.
Sa naunang ulat ng KAMI ay ipinangako ni Small Laude sa kanyang kasambahay na si “Yaya Lotlot” ang isang bonggang bagay. Sinabi niyang tutulungan niya itong makamit ang pangarap na bahay at lupa.
Ibinahagi ni Lotlot, ang personal assistant ng kilalang socialite at vlogger na si Small Laude, ang ilang larawan at video mula sa kanilang holiday trips abroad. Kasama si Lotlot sa mga out-of-the-country travels nina Small, ng kanyang asawang si Philip Laude, at kanilang mga anak, na laging puno ng masasayang sandali.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh