Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez

Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez

- Patuloy na namamayagpag ang Pinoy singer na si Sofronio Vasquez sa The Voice USA

- Sa kanyang post ay nabanggit niyang nakapasok siya sa Top 8 ng naturang singing competition

- Samantala, maging ang singer na si Jennifer Hudson ay napabato ng kanyang sapatos nnang marinig ang pagkanta ni Sofronio

- Ginagawa ito ni Jennifer sa mga mang-aawit na nakakapagpapabilib sa kanya

Patuloy na ipinapamalas ng Pinoy singer na si Sofronio Vasquez ang kanyang galing sa entablado ng The Voice USA. Sa kanyang pinakabagong update sa social media, ibinahagi niyang pasok na siya sa Top 8 ng naturang kompetisyon, na ikinatuwa ng kanyang mga tagasuporta.

Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez
Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez
Source: Youtube

Samantala, umagaw ng pansin ang naging reaksyon ng isa sa mga coach ng The Voice, ang kilalang singer na si Jennifer Hudson. Sa kalagitnaan ng performance ni Sofronio, napabato si Hudson ng kanyang sapatos—isang kakaibang paraan ng kanyang pagpapakita ng paghanga at pagkabilib sa isang mang-aawit.

Read also

Gabby Concepcion, nagbitiw ng pangako kay Sharon: “Don’t worry, nandiyan lang ako"

Ayon kay Jennifer, ginagawa niya ito bilang isang espesyal na bersyon ng standing ovation. Ipinaliwanag niya na kapag naaantig siya ng isang performance, hindi niya mapigilang magpakawala ng ganitong uri ng emosyon. Dagdag pa niya, "Music moves me in a unique way, and I can’t help myself when it happens."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lalo pang nagbigay-inspirasyon sa mga manonood ang tagumpay ni Sofronio at ang suporta mula sa mga international icons tulad ni Hudson. Sa puntong ito, marami ang naniniwalang may malaking posibilidad na makuha ni Sofronio ang titulo ng The Voice.

Hindi na bago ang pagkilala sa husay ng mga Pilipino sa larangan ng musika sa buong mundo. Sa mga prestihiyosong talent search gaya ng The Voice, American Idol, at Asia’s Got Talent, madalas namamayagpag ang Pinoy singers dahil sa kanilang natatanging boses, emosyonal na delivery, at likas na talento.

Ilan sa mga sikat na pangalan na nagdala ng karangalan sa bansa ay sina Marcelito Pomoy na nagpakitang-gilas sa America's Got Talent: The Champions, Katrina Velarde na nagpabilib sa maraming international audiences sa kanyang vocal acrobatics at Charice Pempengco na naging global sensation matapos ang kanyang mga pagtatanghal.

Read also

Coco Martin, mas gustong magbigay ng trabaho kaysa magpaulit-ulit na magbigay ng pera

Ang tagumpay nila ay hindi lamang nagbukas ng pinto para sa mas maraming Pilipinong mang-aawit, kundi nagpatunay rin na ang talento ng Pinoy ay maipagmamalaki sa pandaigdigang entablado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: