Rendon Labador, nagkomento sa picture ni Diwata na may kagat na tuyo
- Binatikos ni Rendon Labador si Diwata dahil sa kanyang pag-post ng pagkain ng tuyo para sa kampanya
- Isa si Rendon sa mga kilalang tumututol sa pagtakbo ni Diwata bilang 4th nominee ng Vendors Partylist sa 2025 elections
- Sinabi ni Rendon na hindi sapat ang mga simpleng paandar para makuha ang boto ng publiko
- Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang mga komento ni Rendon tungkol kay Diwata
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Binabatikos ni Rendon Labador ang kapwa content creator na si Diwata, o Deo Balbuena sa tunay na buhay, dahil sa bago nitong hakbang sa social media. Sa darating na 2025 midterm elections, tatakbo si Diwata bilang ika-apat na nominee ng Vendors Partylist, ngunit marami ang hindi sumasang-ayon sa kanyang pagtakbo, kabilang na si Rendon.
Kamakailan, isang post ang nag-viral sa Facebook kung saan makikitang kumakain ng tuyo si Diwata, kalakip ang caption na "DIWATA, HINDI MAARTE DAHIL KUMAKAIN NG TUYO." Agad namang ni-repost ito ni Rendon sa kanyang sariling Facebook page at muling binanatan si Diwata. Ani Rendon, “Diwata, akala mo ba mananalo ka sa pag kagat-kagat lang ng tuyo? Saan kaya napulot ni Diwata campaign manager niya.”
Dinagdag pa ni Rendon na dapat mas matalino ang maging campaign manager ni Diwata upang mapabuti ang kanyang kampanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post ni Rendon. May mga nagsabing si Rendon na lamang ang gawing campaign manager ni Diwata para umano'y masiguro ang kanyang pagkapanalo. May ilang nagkomento rin tungkol sa hirap ng pagpasok sa politika, habang ang iba naman ay nagbigay puna sa estilo ni Diwata na tila gumagamit ng simbolo ng kahirapan para makakuha ng simpatiya mula sa publiko.
Habang papalapit ang eleksyon, inaasahang magpapatuloy ang mainit na diskusyon sa pagitan ng mga sumusuporta at kumokontra kay Diwata sa kanyang layunin bilang kinatawan ng Vendors Partylist.
Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.
Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.
Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh