Miss Grand Myanmar, nagpaliwanag kung bakit siya naiyak
- Nag-livestream si Thae Su Nyein noong Oktubre 27 upang ipaliwanag ang dahilan ng kanyang pagluha sa final night ng Miss Grand International 2024
- Sinabi niyang hindi siya nalungkot sa second runner-up na titulo, ngunit naiyak siya dahil sa pagsisikap ng kanyang mga tagasuporta at team mula Myanmar
- Nilinaw ni Thae Su Nyein na hindi itinapon ni Soe Min Tun ang korona sa sahig, kundi nadulas lamang ito habang tinutulungan siyang tanggalin ang korona
- Ayon kay Thae Su Nyein, dumating siya sa kompetisyon upang ipalaganap ang positibong enerhiya at inspirasyon sa mga kabataan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-livestream nitong hapon ng Oktubre 27 ang Miss Grand Myanmar na si Thae Su Nyein upang ipaliwanag ang kanyang mga naging reaksyon sa final night ng pageant.
Ayon kay Thae Su Nyein, pinapahalagahan niya ang titulo bilang second runner-up at hindi siya nalungkot sa hindi pagkapanalo bilang Miss Grand. Aniya, naiyak siya matapos ang final night dahil sa panghihinayang para sa kanyang mga tagasuporta at sa crew mula Myanmar, na masigasig na nagbigay ng suporta at bumoto sa kanya mula simula ng kompetisyon hanggang sa huling gabi.
Pinabulaanan din ni Thae Su Nyein ang mga usap-usapang itinapon umano ni Soe Min Tun, National Director ng Miss Grand Myanmar, ang korona sa sahig. Ayon sa kanya, tinulungan lamang siya ni Soe Min Tun na tanggalin ang korona nang makita nitong tila mahihimatay siya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa takot ni Soe Min Tun, nadulas ang korona at bumagsak ito. Tungkol naman sa isyung kinagalitan ni Soe Min Tun ang mga reporter, sinabi ni Thae Su Nyein na ginawa ito ng National Director dahil nagkaroon ng tangkang paglapit sa kanya na maaari umanong magdulot ng panganib sa kanyang kaligtasan.
Ipinaliwanag din ng dalaga ang kanyang emosyonal na reaksyon sa performance ng kanyang national costume. Ayon kay Thae Su Nyein, iniinda niya ang pagkadismaya dahil hindi niya naisakatuparan ang lahat ng plano ng kanyang team sa entablado. Ipinunto niya na maraming paghahanda ang kanilang ibinuhos para sa national costume na ito.
Sa pagtatapos ng kanyang livestream, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag na hindi niya kailangan ang titulo bilang second runner-up at mas pinili niya ang suporta ng kanyang National Director.
Para naman kay Chairman Nawat ng Miss Grand organization, ang titulo ng second runner-up ay akma para kay Thae Su Nyein dahil sa kakulangan nito sa paghawak ng emosyon na kinakailangan upang maging beauty queen.
Ang Miss Grand International ay isang prestihiyosong beauty pageant na itinatag noong 2013. Ang patimpalak na ito ay naglalayong hindi lamang maghanap ng pinakamagandang kababaihan mula sa iba't ibang bansa kundi pati na rin upang itaguyod ang mga adbokasiya sa kapayapaan at pagbabago sa lipunan.
Matatandaang ang pahayag ni Nawat Itsaragrisil laban sa kinatawan ng Pilipinas na si Nikki de Moura na lumabas sa TikTok at iba pang social media platforms ay naging viral.
Hindi nagustuhan ni Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil ang lumabas na video ni MJ Lastimosa ang isang vlog ni MJ Lastimosa. Sinabihan niya si MJ na huwag itong pupunta sa MGI at pinuputol na nito ang kanilang pagkakaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh