Miss Grand Myanmar national director, emosyonal kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya

Miss Grand Myanmar national director, emosyonal kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya

- Nag-livestream si Htoo Ant Lwin, ang Miss Grand Myanmar national director para ibalik ang korona ng second runner-up na napanalunan ni Thae Su Nyein sa Miss Grand International 2024

- Binatikos ni Htoo Ant Lwin ang Miss Grand organization dahil sa aniya'y hindi patas na pagtrato sa kanilang pambato

- Sinabi ni Htoo Ant Lwin na inalok umano siya ng $25,000 ng Miss Grand President para matiyak ang pagkapanalo ng Myanmar sa Miss Popular Vote

- Nagpahayag si Miss Grand President Nawat na pinag-iisipan niyang tanggalin ang titulo ni Thae Su Nyein bilang second runner-up

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Idinaan ni Htoo Ant Lwin sa isang livestream ang kanyang desisyon na isuko ang korona ng second runner-up na napanalunan ni Thae Su Nyein, pambato ng Myanmar sa Miss Grand International 2024.

Miss Grand Myanmar national director, emosyonal kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya
Miss Grand Myanmar national director, emosyonal kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya
Source: Facebook

Sinabi ni Htoo Ant Lwin na hindi niya tinatanggap ang pagkakapanalo ng kanilang kinatawan bilang second runner-up lamang, at iginiit niyang hindi patas ang naging resulta ng patimpalak. Ayon sa kanya, hindi na makikipagtulungan ang kanilang grupo sa Miss Grand International sa susunod na taon.

Read also

Miss Grand Myanmar, nagpaliwanag kung bakit siya naiyak

Ipinaliwanag ni Htoo Ant Lwin na ipinasya niyang ibalik ang korona ng Miss Grand dahil hindi umano nararapat ang nakuha nilang gantimpala kumpara sa kanilang pagsisikap. Idinagdag niya na hindi na niya maipagpapatuloy ang kanyang tungkulin bilang National Director ng Miss Grand Myanmar sa susunod na taon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi nya rin na bagaman nakatanggap ng pinakamataas na boto ang kinatawan ng Myanmar para sa National Costume award, hindi ito napabilang sa top 3. Aniya, sa kategoryang Country’s Power of the Year, nakuha rin ng Myanmar ang pinakamataas na boto, ngunit Miss Grand Thailand ang nagwagi.

Dagdag pa niya, inalok umano ni President Nawat ng $25,000 (mahigit 630 milyong VND) ang kanilang panig upang masigurong magwagi sa Miss Popular Vote. Upang matugunan ang halaga, naghanap siya ng pondo, ngunit sa huli, ang nanalo ay ang kinatawan ng Indonesia.

Read also

Ogie D, tuloy umano ang tulong ni Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"

Ang Miss Grand International ay isang prestihiyosong beauty pageant na itinatag noong 2013. Ang patimpalak na ito ay naglalayong hindi lamang maghanap ng pinakamagandang kababaihan mula sa iba't ibang bansa kundi pati na rin upang itaguyod ang mga adbokasiya sa kapayapaan at pagbabago sa lipunan.

Matatandaang ang pahayag ni Nawat Itsaragrisil laban sa kinatawan ng Pilipinas na si Nikki de Moura na lumabas sa TikTok at iba pang social media platforms ay naging viral.

Hindi nagustuhan ni Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil ang lumabas na video ni MJ Lastimosa ang isang vlog ni MJ Lastimosa. Sinabihan niya si MJ na huwag itong pupunta sa MGI at pinuputol na nito ang kanilang pagkakaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate