Nawat Itsaragrisil, nagsalita na kaugnay sa kontrobersiyal na kaganapan sa MGI coronation
- Opisyal na nagbigay ng pahayag si CEO Nawat Itsaragrisil tungkol sa posibilidad ng pagtanggal kay Miss Myanmar Thae Su Nyein matapos ang insidente sa Miss Grand International 2024 finale
- Tinanggal ng Myanmar National Director ang korona at sash ni Thae sa entablado habang siya ay umiiyak at nag-viral ang insidente sa social media
- Ayon kay Nawat, maraming positibong katangian si Thae, ngunit kulang siya sa maturity at hindi nakilahok sa press interviews pagkatapos ng kanyang pagkapanalo
- Susuriin raw nang maigi ang insidente bago gumawa ng pinal na desisyon kaugnay ng posibleng pagtanggal kay Thae bilang ikatlong pwesto
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang nakakagulat na insidente sa Miss Grand International 2024 finale, opisyal na nagbigay ng pahayag ang CEO na si Nawat Itsaragrisil tungkol sa posibilidad ng pagtanggal kay Thae Su Nyein, ang ikatlong pwesto mula sa Myanmar.
Ito ang pinakabagong kaganapan matapos ang insidente kung saan tinanggal ng pageant direktor ng Myanmar ang korona ng beauty queen sa entablado.
Sa isang clip na ipinost sa kanyang TikTok account, sinabi ni Nawat na magkakaroon ng opisyal na anunsyo kung dapat bang tanggalin ang nasabing beauty queen.
Ayon sa kanyang pagsusuri, marami umanong positibong katangian si Thae ngunit hindi pa siya ganap na mature, na naipakita sa kanyang kakulangan sa pag-control ng emosyon at hindi propesyonal na reaksyon matapos tanggapin ang award.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi raw siya nakilahok sa mga panayam sa press at biglaang umalis sa event.
Nitong nakaraang Oktubre 25, usap-usapan ang pangyayari kung saan agad na tinanggalan si Thae Su Nyein ng kanyang korona ng National Director ng Myanmar. Agad namang dinala ng crew ang beauty queen palabas ng auditorium sa estado ng pag-iyak. Ang video ng insidente ay naging viral sa social media.
Alam ni Nawat ang insidente at susuriin ito nang mabuti bago gumawa ng pinal na desisyon.
Ang Miss Grand International ay isang prestihiyosong beauty pageant na itinatag noong 2013. Ang patimpalak na ito ay naglalayong hindi lamang maghanap ng pinakamagandang kababaihan mula sa iba't ibang bansa kundi pati na rin upang itaguyod ang mga adbokasiya sa kapayapaan at pagbabago sa lipunan.
Matatandaang ang pahayag ni Nawat Itsaragrisil laban sa kinatawan ng Pilipinas na si Nikki de Moura na lumabas sa TikTok at iba pang social media platforms ay naging viral.
Hindi nagustuhan ni Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil ang lumabas na video ni MJ Lastimosa ang isang vlog ni MJ Lastimosa. Sinabihan niya si MJ na huwag itong pupunta sa MGI at pinuputol na nito ang kanilang pagkakaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh