Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper, emosyonal na nagpaalam
Inanunsyo ng tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper ang kanilang pamamaalam sa programang “Tambalan” sa Love Radio matapos ang 20 taong pagsasama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng pasasalamat si Nicole sa mga tagapakinig at ipinaabot ang hirap ng kanyang pamamaalam kay Chris
Kailangan munang mag-focus si Chris sa kanyang political career bilang konsehal ng Lucban, Quezon sa darating na midterm elections
Nagbigay si Nicole ng mensahe kay Chris sa kanyang sulat na nabasa sa huling episode ng programa bilang pagkilala sa kanilang mahaba at makulay na samahan
Sa isang emosyonal na farewell, inannounce ng tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper ang kanilang pamamaalam sa kanilang programang “Tambalan” sa Love Radio matapos ang 20 taong pagsasama sa ere. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Nicole, na kilala sa tunay na pangalan na Emmylou Gaite-Tiñana, ukol sa pag-alis ni Chris o Adrian Policena sa kanyang on-air partner.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Nicole, “Tomorrow, we close the book on a chapter that has been our life for 20 years. It’s hard to find the words to say goodbye to something that has been a part of us for so long.” Nagbigay siya ng pasasalamat sa kanilang mga tagapakinig, na tinawag niyang “Tambalanista,” at sinabi niyang ang mga alaala ay mananatili sa kanilang mga puso.
Isinulat din ni Nicole ang kanyang saloobin sa hirap ng pamamaalam kay Chris, na naging kasama niya sa programa sa loob ng dalawang dekada. “Hindi po ako aalis. Radio is my life and I cannot imagine a day without it. Pero like all the other challenges I have conquered, this too shall pass,” aniya.
Inanunsyo ni Nicole na kailangan munang mag-focus si Chris sa kanyang political career bilang kandidato sa konsehal ng Lucban, Quezon, para sa midterm elections sa May 12, 2025. Sa huli, nagbigay siya ng mensahe kay Chris sa kanyang sulat na nabasa sa huling episode ng “Tambalan,” na nagsasabing, “Huwag na huwag niyong kakalimutan ‘yung mahabang panahon na pinagsamahan natin.”
Noong nakaraang buwan, ipinagdiwang nina Nicole at Chris ang kanilang ika-20 anibersaryo ng “Tambalan,” kung saan nakilahok pa sila sa isang mass wedding event sa Makati City na inorganisa ng Love Radio. Sa kanilang pag-alis, mananatili sa kasaysayan ng FM radio ang kanilang kontribusyon bilang mga icon sa industriya.
Matatandaang binahagi ni DJ Nicol, kasama ang kanyang asawa, ang isang “kwento ng himala” na nangyari sa kanilang pamilya. Ang kanilang anak na si Princess ay nagkaroon ng kamangha-manghang paggaling matapos na ma-coma dahil sa pamamaga ng utak.
Ibinahagi din ni DJ Nicole Hyala sa Instagram ang isang compilation ng mga screenshot na nagpapakita ng kanilang palitan ng bati ni Piolo Pascual. Nagkomento siya sa online post ng aktor at nagtanong, “Ilang Pasko ba ang dadaan bago mo ako replyan?”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh