Angel "Conrado" Sangalang ng singing Trio na Miss Tres, pumanaw na

Angel "Conrado" Sangalang ng singing Trio na Miss Tres, pumanaw na

- Pumanaw na si Angel "Conrado" Sangalang, miyembro ng orihinal na Miss Tres

- Kinumpirma ni Mariko "Joselito" Ledesma ang balita sa social media

- Naging tanyag ang grupo matapos sumali sa "Pilipinas Got Talent" noong 2013

- Nagpatuloy si Ledesma sa "Britain's Got Talent" noong 2018 kasama ang bagong miyembro ng Miss Tres

Pumanaw na si Angel "Conrado" Sangalang, na mas kilala bilang "Miss Uno," isa sa mga miyembro ng orihinal na singing trio na Miss Tres. Kinumpirma ni Mariko "Joselito" Ledesma, dating kasamahan ni Sangalang, ang malungkot na balita sa pamamagitan ng mga post sa social media nitong nagdaang weekend.

Angel "Conrado" Sangalang ng singing Trio na Miss Tres, pumanaw na
Angel "Conrado" Sangalang ng singing Trio na Miss Tres, pumanaw na
Source: Youtube

Ang Miss Tres, na binubuo nina Sangalang, Ledesma, at Mia Narciso o "Miss Tres," ay unang nakilala bilang isang seksi transgender singing trio noong 2013 sa programa ng "Pilipinas Got Talent," kung saan nagtanghal sila ng isang awiting pinasikat ni Tom Jones.

Read also

Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey

Matapos ang kanilang tagumpay sa lokal na entablado, inimbitahan din ang grupo na magtanghal sa "Asia's Got Talent" noong 2016. Sa parehong taon, binawian ng buhay si Narciso dahil sa sakit na lung cancer.

Sa kabila ng mga pagsubok, ipinagpatuloy ni Ledesma ang kanyang pangarap na magtanghal sa "Britain's Got Talent" noong 2018, kung saan ipinakilala niya ang dalawang bagong miyembro ng grupo na sina Crissy at Mavey.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang komedyanteng si Atak ay naghayag ng kanyang pagkalungkot sa pagpanaw ni Angel.

Ang pagpanaw ni Sangalang ay nagdulot ng kalungkutan sa kanilang mga tagahanga at sa industriya ng musika, lalo na sa mga taong sumubaybay sa kanilang paglalakbay mula sa pagiging isang grupo sa Pilipinas hanggang sa pagsabak sa mga international na entablado.

Makailang beses na ring hinangaan ang talento ng mga Pinoy sa mga talent contest sa ibang bansa.

Read also

Sandro Muhlach, naglakas-loob na ikwento ang umano'y naranasang pang-aabuso

Matatandaang matapos na mag-viral ang audition video ng 10 taong gulang na si Peter Rosalita sa America's Got Talent 2021, tumanggap na ito ng maraming papuri. Isa na rito si Celine Dion na siyang original singer ng kanyang audition piece na "All By Myself" Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat din si Peter sa kilalang International Singer. Bukod sa husay niya sa pag-awit, labis na natuwa sa kanya ang mga judges na sina Sofia Vergara, Howie Mandel, Heidi Klum, at Simon Cowell.

Nakakuha naman ng apat na yes ang Pinoy contestant ng 'America's Got Talent' 2023 na si Roland "Bunot" Abante. Naikwento ni Roland na isa umano siyang mangingisda sa umaga at habal-habal driver naman sa hapon. Aniya, hilig niya lamang ang mag-videoke kung saan umano siya nasanay na umawit. Matatandaang siya ay tinaguriang 'Michael Bolton of the Philippines.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate