Robin Padilla, ibinahagi ang video ng pagkikita nina Sharon Cuneta at Salvador Panelo

Robin Padilla, ibinahagi ang video ng pagkikita nina Sharon Cuneta at Salvador Panelo

- Masaya si Robin Padilla sa mainit na pagtanggap ni Sharon Cuneta sa kanila ni Salvador Panelo sa ginanap na concert nila ni Regine Velasquez

- Ibinahagi niya ang video kung saan nagkaharap at nagkausap sina Sharon at Panelo

- Ani Robin, masarap sa pakiramdam na magaan na ang lahat matapos ang pag-uusap ng dalawa

- Kilalang malapit si Robin sa kanyang mga leading lady kabilang na si Sharon at nauna niya na ring sinabi na si Panelo ang kanyang magiging legislative consultant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Robin Padilla, masarap sa pakiramdam na magaan na ang lahat matapos magkaharap at magkausap sina Sharon Cuneta at Salvador Panelo. Naganap ito sa concert nila ni Sharon at Regine Velasquez.

Robin Padilla, ibinahagi ang video ng pagkikita nina Sharon Cuneta at Salvador Panelo
Robin Padilla, ibinahagi ang video ng pagkikita nina Sharon Cuneta at Salvador Panelo (@robinhoodpadilla)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ang video kung saan nagkaharap at nagkausap sina Sharon at Sal Panelo. Makikita na masayang nag-uusap ang dalawa. Ayon kay Robin, maganda ang mensahe nina Sharon at Regine patungkol sa pagtatapos ng eleksiyon.

Read also

Kris Aquino, nagre-respond sa mga treatment na isinasagawa sa kanya ayon kay Ogie D

Napakasarap ng pakiramdam ng magaan na ang lahat. Napakaganda po ng inyong mensahe patungkol sa pagtaTapos ng eleksyon at oras na para Tayong lahat ay magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng Inangbayan Pilipinas. Bagay na bagay ang kulay nating dalawa sa larawan na ito sa diwa ng uniteam.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist. Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Si Robin mismo ang naghayag ng kanyang pasasalamat kay Kris Aquino sa tulong nito sa kanya nitong nakaraang eleksiyon. Ayon sa senador, hindi umano sila bumitiw kay Kris simula nang malaman nilang mag-asawa ang tungkol sa pagkakasakit nito.

Si Kris Aquino umano mismo ay gumawa ng paraan para makatulong sa kandidatura ni Robin Padilla noong panahon ng eleksiyon. Sa isang Facebook post ay binahagi ni Robin ang pasasalamat niya kay Kris sa tulong na binigay nito sa kanya kahit tumatakbo sa ilaim ng UniTeam ai Robin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel