John Prats At Isabel Oli, nagdiriwang ng kanilang ika-10 anniversary

John Prats At Isabel Oli, nagdiriwang ng kanilang ika-10 anniversary

- Nag-post si John Prats ng kanyang pagbati sa kanyang misis na si Isabel Oli para sa pagdiriwang ng kanilang ika-sampung anniversary

- Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi ni John ang ilan sa kanilang picture na mag-asawa

- Nagbalik-tanaw si John sa sampung taon ng kanilang pagsasama na nabiyayaan sila ng tatlong anak

- Aniya, hindi man perpekto ang kanilang relasyon ay napagtagumpayan nila ang kinaharap na pagsubok

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni John Prats ang kanyang pagbati sa misis na si Isabel Oli sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-sampung anniversary. Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi ni John ang ilan sa kanilang picture na mag-asawa.

John Prats At Isabel Oli, nagdiriwang ng kanilang ika-10 anniversary
John Prats At Isabel Oli, nagdiriwang ng kanilang ika-10 anniversary (@johnprats)
Source: Instagram

Nagbalik-tanaw si John sa sampung taon ng kanilang pagsasama na nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Happy 10 years my Love! Grabe! Ang bilis ng panahon! Sa loob ng Sampung Taon, napakaraming nangyari, binayayaan tayo ng 3 anak at nabuo natin ang pamilya na pinangarap natin.

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Aniya, hindi man perpekto ang kanilang relasyon ay napagtagumpayan nila ang kinaharap na pagsubok,

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi perpekto ang relasyon natin , pero sa lahat ng seasons ay napagtagumpayan natin. Sa Hirap at Ginhawa nga ay ikaw ang aking makakasama!

Pinasalamatan din niya si Isabel sa pagmamahal nito sa kanilang pamilya.

Sa Hirap at Ginhawa nga ay ikaw ang aking makakasama! Maraming salamat sa pag mamahal na walang kapantay! I love you sooooo much!!! Salamat Lord God dahil lagi kang nakagabay sa amin.

Si John Paulo Quiambao Prats ay isang aktor, komedyante, dancer, TV host, director, model at isang negosyante. Pinasok niya ang mundo ng showbiz noong taong 1992. Siya ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Camille Prats.

Matapos ang pinag-usapang flash mob na proposal ni John kay Isabel Oli noong September 24, 2014 sa Eastwood City, ikinasal sila noong May 16, 2015 sa Batangas.

Read also

Kristel Fulgar at Big Boss, pinakilig ang mga fans sa kanilang mala-Kdrama na date

Noong nakaraang taon ay nagdiwang ng kanilang ika-6 na anniversary bilang mag-asawa. Sa kabila ng kanyang magandang career bilang isang performer at aktor, matatandaang maraming nakapansin sa bagong segment ng It's Showtime na ReIna ng Tahanan. Bukod kasi sa nakakaantig ito, maganda din umano ang quality ng camera at transition. Ibinahagi ng talent agency na Cornerstone na si John Prats ang direktor ng bagong segment na ito ng It's Showtime. Matatandaang umani din ng papuri si John sa kanyng husay bilang direktor ng 2020 Christmas Special ng ABS-CBN.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel