Heart Evangelista, bumwelta sa basher na nagsabing para siyang baliw

Heart Evangelista, bumwelta sa basher na nagsabing para siyang baliw

- Sa isang Instagram post ni Heart Evangelista kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento

- Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit

- Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak

- Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na sinupalpal ni Heart Evangelista ang isang basher na nagsabing nababaliw na daw si Heart dahil wala itong anak kaya walang mapagkaabalahan. Hindi na ito nakasagot matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Heart Evangelista, buwmelta sa basher na nagsabing para siyang baliw
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Heart ang isang maiksing video kung saan pinakita niya ang kanyang pag-mix and match ng kanyang damit. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa fashion.

Read also

Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga followers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Everything is just clothes till this gorgeous human wears it and creates a whole bomb outfit! So comfy and perfect for everyday! You always serve us looks, Ms. @iamhearte Have a lovely day!
Ms Heart pinagpapawisan ka po ba ang fresh niyo po lagi ang unfair po charaught. You’re so pretty po Miss! I love your confidence wearing colored outfits! It looks good!
Oh, dear. Don’t mind the hater, Ms Heart. Baka may pinagdadaanan sa buhay kaya bitter. Love your looks! I look forward to watching your everyday vid. Coz, why not? Have a nice day, Ms Heart!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

KC Concepcion, muntik nang maparalisa matapos siyang tamaan ng COVID

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis. Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel