Jennylyn Mercado, pinakita ang nursery para sa baby nila ni Dennis Trillo

Jennylyn Mercado, pinakita ang nursery para sa baby nila ni Dennis Trillo

- Masayang pinasilip nina Jennylyn mercado at Dennis Trillo ang nursery na kanilang pinagawa para sa kanilang anak

- Napagpasyahan umano nilang mag-asawa na magandang maging makulay ang silid kaya mayroong pink na flamingo at kulay green na mga halaman sa pader

- Kapansin-pansin din ang pagiging organized ng aktres dahil lahat halos ng lagayan ay mayroon nang label

- Hindi pa nila nilalabas ang pangalan ng kanilang baby ngunit sa letter D umano magsisimula ang pangalan ng kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nursery tour ang binahagi nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para sa kanilang mga viewers. Ibinahagi nila ang pinagawa nilang nursery para sa kanilang anak na babae.

Jennylyn Mercado, pinakita ang nursery para sa baby nila ni Dennis Trillo
Jennylyn Mercado (@mercadojenny)
Source: Instagram

Napagpasyahan umano nilang mag-asawa na magandang maging makulay ang silid kaya mayroong pink na flamingo at kulay green na mga halaman sa pader.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Para naman kay Jen, mahalagang naka-organize ang mga gamit para madali na lang sa kanila na hanapin ang mga bagay-gabay. Kaya naman, halos lahat ng lagayan sa kanilang nursery ay may label.

Makikita din sa naturang nursery ang letter D na aniya ay initial ng pangalan ng anak nila. Hindi pa nilalabas ng mag-asawa ang binigay nilang pangalan sa baby ngunit aniya ay ibabahagi din nila ito sa susnod na mga araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang bumilib sa pagiging organized ni Jen:

Hello po, lagi ko pinapanuod ang vlog niyo kase nakaka inspired at nakakakilig. 3 months din po kase ako ngayong pregnant. Nakakatanggal stress kapag nanunuod ako ng vlog niyo.. Ang ganda idol tlaga kita. Napaka organize and linis ng nursery room. Excited to see baby D.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Wow napakaganda ng nursery room ni baby D napaka elegant❤Congrats Denjen welcome to the world Baby D..thank you father God for the safe dlivery of jen
Wowww cute ng nursery room ni prinçes D. So excited sa coming baby nyo denjen this month staysafe and strong both of you take good care & god bless always

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser.

Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pagbabahagi ng opinyon ng aktres hinggil sa ilang isyu. Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn.

Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel