Apl.de.Ap, nilinaw na wala siyang ini-endorsong kandidato

Apl.de.Ap, nilinaw na wala siyang ini-endorsong kandidato

- Sa isang Facebook page, naibahagi ang picture ni Apl.de.Ap bilang isa sa mga artistang sinsabing nag-eendorso sa isang presidential candidate

- Gayunpaman, sa ibinahaging video, makikita ang kanyang impersonator na nagperform sa isang political rally kamakailan

- Tanging facepalm emojis ang naging sagot ni Apl sa pamamagitan ng kanyang iniwang komento sa naturang post

- Nilinaw niya sa isang tweet na wala siyang iniendorsong kandidato dahil aniya, "Country over party"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos lumabas ang kanyang litrato bilang kabilang sa mga nag-eendorso ng isang presidential candidate, minabuti ni Apl.de.Ap na bigyang linaw ito. Nilinaw niya sa isang tweet na wala siyang iniendorsong kandidato.

Apl.de.Ap, nilinaw na wala siyang ini-endorsong kandidato
Apl.de.Ap (@apldeap)
Source: Instagram

Sa ibinahaging video, makikita ang kanyang impersonator na nagperform sa isang political rally kamakailan. Makikita ang picture ni Apl sa mga umano'y magpeperform sa isang rally.

Read also

Bea Rose Santiago, todo-pasalamat sa kapatid na nag-donate ng kidney sa kanya

Ilan sa mga caption sa video na ibinahagi ay “Apl DE Ap of BLACK EYED PEAS support Bbm” at “international artist support BBM Apl de Ap yarn.”

Ang impersonator na nagperform ay si Christopher Cadinong ng Caloocan City,na minsang sumali sa Kalokalike sa “It’s Showtime’s” noong 2015.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanging facepalm emojis ang naging sagot ni Apl sa pamamagitan ng kanyang iniwang komento sa naturang post.

Umani ng libo-libong lauging reacts ang kanyang komento.

Isang Twitter user ang nag-tag sa rapper kaugnay dito. Nilinaw niya sa isang tweet na wala siyang iniendorsong kandidato dahil aniya, "Country over party"

“Country over party. Not endorsing any candidate,” ani Apl sa kanyang tweet.

Si Allan Pineda Lindo o mas kilala sa kanyang screen name na apl.de.ap ay isang Filipino-American rapper, singer at record producer. Isa siya sa founding member ng hip hop group na Black Eyed Peas.

Read also

ABS-CBN reporter, kinaaliwan matapos ibahagi ang natanggap na free hug

Sa isang panyam sa ABC News, sinabi ni apl.de.ap na pinanganak siyang may nystagmus, isang kondisyon kung saan mayroong involuntary movement ang mga mata na nakakaapekto sa kanyang paningin. Sa naturang panayam, pinakita rin ang pagsasailalim niya sa eye surgery sa Beverly Hills eye surgeon na si Brian Boxer Wachler kung saan nilagyan siya ng artificial lenses para maayos ang knyang nearsightednessat ang kanyang nystagmus.

Nakakapagsalita ng Tagalog at Kapampangan ang rapper.

Matatandaang naiugnay kay KC Concepcion si Apl matapos silang mamataang magkasama ng ilang beses. Nilinaw naman ng anak ni Sharon Cuneta na malapit na kaibigan niya si Apl.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate