Kylie Versoza, iniwasang sagutin ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca

Kylie Versoza, iniwasang sagutin ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca

- Sa presscon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal kung saan isa si Kylie Versoza sa mga cast, sinubukan ni Kylie na ilagan ang ilang katanungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ito ay tungkol sa mga tanong kaugnay sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca na kanyang naging karelasyon sa loob ng tatlong taon

- Naganap ang presscon isang araw bago isapubliko ni Jake ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Nauna nang nakiusap na ang beauty queen-turned-actress sa umattend na press sa simula pa lang ng presscon na huwag nang ungkatin ang tungkol sa balitang hiwalayan nila

Iwas pa rin si Kylie Versoza sa pagsagot sa mga tanong kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jake Cuenca. Sa presscon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal kung saan isa si Kylie sa mga cast, sinubukan ni Kylie na ilagan ang ilang katanungan.

Read also

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

Kylie Versoza, iniwasang sagutin ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca
Kylie Versoza at Jake Cuenca (@juancarloscuenca)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na sinagot ni Kylie ang tanong kung talagang hiwalay na sila ni Jake. Matatandaang naganap ang mediacon noong Biyernes, isang araw bago isapubliko ni Jake ang balita tungkol sa kanilang napagpasyahan na maghiwalay na.

Naitanong kay Kylie kung kanino niya unang sinabi ang Ikaw Lang Ang Mahal.

“Una kong sinabihan romantically, siguro nung ako, mga padulo na ng college ko, yung una ko pong boyfriend. Siya yung sinabihan ko ng ikaw lang yung mahal ko,” aniya.

Nang tanungin naman kung kanino niya ito sinasabi sa kasalukuyan sinabi niyang sa sarili niya ito sinasabi.

“Ang sarili ko—siguro ikaw lang ang mahal ko! Kailangan mo kasi… Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko…”

Matatandaang lumabas ang tungkol sa balita matapos mapansin ng mga netizens na wala na silang masyadong pictures na magkasama. Naging basehan din ng ilan ang mga cryptic posts ng dalawa. Gayunpaman, lalong naging maigting ang epikulasyon matapos maging emosyonal ni Kylie sa kanyang guesting sa It's Showtime.

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Si Jake Cuenca ay isang Filipino-American actor at model. Isinilang siya sa San Jose, California at lumaki sa Manila. Naglaro dn siya sa United Football League Division 2.

Una siyang na-discover ng talent scout na si Arvin Bentonon para sa Cosmo Modeling Agency sa edad na siyam na taong gulang. Kasunod nito ay naging bahagi siya ng ilang commercials sa TV at print ads. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay In the Name of Love (2011), Encantadia (2005) and Ang Panday (2017).

Naging bahagi din siya ng grupong Coverboys kasama sina Sam Milby, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Victor Basa at John Lloyd Cruz.

Kamakailan ayy nag-trend si Jake matapos niyang ilabas ang ilang cryptic posts. Maging si Kylie ay nag-post ng salitang "broken" kaya lalong umigting ang usap-usapang hiwalay na nga sila ni Jake.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel