Anthony Leodones, pinagsabihan ang mga kasamahan ni Toni Fowler

Anthony Leodones, pinagsabihan ang mga kasamahan ni Toni Fowler

- Bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Toni Fowler, naglabas din si Anthony Leodones ng kanyang saloobin

- Aniya, sa sobrang kabaitan ng kanyang kaibigan ay naabuso na ito ng mga tao

- Maging ang mga kasamahan ni Toni sa ToRo family ay pinagsabihan niya na huwag nang gamitin si Toni

- Kung mahal daw talaga nila si Toni ay dapat protektahan nila si Toni at huwag konsintihin ang mga desisyon kung alam nilang mali na ang ginagawa nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang malapit na kaibigan ni Toni Fowler, hindi na nakapagtimpi si Anthony Leodones na maglabas ng kanyang saloobin. Bukod sa kanyang kaibigan, pinagsabihan ni Anthony ang mga kasamahan ni Toni sa ToRo family.

Anthony Leodones, pinagsabihan ang mga kasamahan ni Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Aniya, kung mahal talaga nila si Toni ay dapat nilang unahin lagi ang kapakanan nito. Aniya, hindi nila dapat kunsintihin si Toni lalo na kung alam na nilang hindi na tama ang ginagawa nito.

Read also

Vince Flores, pinagtanggol si "Tatay Elon" kaugnay sa viral na video nila ni Toni Fowler

Dagdag pa ni Anthony, impulsive ang kanyang kaibigan kaya dapat umano ay protektahan pa rin siya ng kanyang mga kasamahan.

Pinaalalahanan niya rin sina Tatay Elon, Rob Moya at Vince Flores na tigilan na ang mga content kung saan ginagamit umano nila si Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang natuwa sa pagiging mabuting kaibigan ni Anthony:

You did it idol Real friend never let you down toni . Your concern to your friend is really appreciated Anthony.
True. Love yourself first Toni, d masamang alisin ang mga taong toxic sa buhay mo. I wish you well. Masama din ang sobrang maging mabait Oni.
My point ka po dyan Kuya Anthony. As a true friendship need talaga protektahan ang kaibigan lalo n kung hndi na tama ang gingawa ng mga nkapaligid sa knya.

Read also

2013 post ni VP Leni, viral muli dahil sa makulit na komento nina Tricia at Aika

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate