Cristy Fermin, awang-awa sa kasalukuyang kalagayan ni Kris Aquino

Cristy Fermin, awang-awa sa kasalukuyang kalagayan ni Kris Aquino

- Sa kanyang YouTube show na Showbiz Now na! aminado si Cristy Fermin na awang-awa na siya kay Kris Aquino

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Hiling niya na sana ay iwasan na ni Kris ang masangkot sa mga kontrobersiya at pagtuonan na lamang ang kanyang pagpapapgaling

- Aminado siyang si Kris ang maituturing na reyna pagdating sa pagiging host ng showbiz talk show

- Naibahagi niya rin na kilala niya na si Kris na kahit magkakatampuhan at sumama ang loob, bigla na lang umano pupunta at magbibigay ng regalo

Ayon kay Cristy Fermin, naawa siya sa kalagayan ni Kris Aquino. Kaya naman, sana umano ay huwag na umanong mag-post si Kris na ikinadadawit nito sa mga kontrobersiya.

Cristy Fermin, awang-awa sa kasalukuyang kalagayan ni Kris Aquino
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pangulong Duterte sa katangian ng susunod na presidente: "Sana Abogado"

Aniya, sana ay magpalakas na lamang ito at magpagaling. Nakwento din ni Cristy ang ugali ni Kris na sumama man ang loob ay bigla na lamang umano pupunta upang magbigay ng regalo. matatandaang ilang beses na ring nagkatampuhan sina Cristy at Kris simula pa noong parehos pa lang sila nasa ABS-CBN.

Ayon pa kay Cristy, si Kris Aquino ang itinuturing nilang reyna pagdating sa pagiging isang showbiz talk show host.

Marami din sa mga tagapanuod sa show ni Cristy ang humiling na gumaling n si Kris:

Nakakaawa c Kris, dapat nagpa albularyo siya.walang mawawala kung subukan niya. Sa dami nang doctor niya di matuntun ang gamot. May napanuod ako pagnasa probinsya ka ganyan kalagayan tinatawag sa bisaya palaygay kumbaga unti unti ang katawan lagasin.
Sana gumaling na si kris, iba din kasi talaga siya mag host. nakaka miss
Get well soon Ms. Kris! Ang nag-iisang Queen of all media.

Read also

Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel