Ritz Azul, kinasal kay Allan Guy sa kanilang "dream wedding" sa Palawan

Ritz Azul, kinasal kay Allan Guy sa kanilang "dream wedding" sa Palawan

- Sa pangalawang pagkakataon ay ikinasl si Ritz Azul sa kanyang long-time boyfriend na si Allan Guwi

- Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ritz ang ilang litrato na kuha sa kanilang pagpapakasal sa Palawan

- Tinawag din ni Ritz na "dream wedding" ang kanilang kakatapos lang na pagpapakasal

- Matatandaang, isinapubliko ni Ritz ang tungkol sa engagement nila noong June 2020

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Ritz Azul na natupad na ang kanilang dream wedding destination sa mismong petsa na aniya ay kanilang dream wedding date.

Beach wedding ang kanilang ginanap na pangalawang kasal sa Coron, Palawan. Sa kanyang post sa social media, pinasalamatan ni Ritz ang suppliers at close friends niya na naging bahagi ng kanilang pag-iisang dibdib.

Photo from Ritz Azul/@ritzazul
Photo from Ritz Azul/@ritzazul
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ritz ang ilang litrato na kuha sa kanilang pagpapakasal sa Palawan.

Read also

Sarah Lahbati, pinasalamatan si Richard Gutierrez na pinayagan siyang mag-motocross

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang ikinasal ang dalawa sa Baguio City noong November 20, 2021. Nitong nakaraang December, 11, 2021 (12-11-21), ginanap ang ikalawang pag-iisang dibdib nila sa Club Paradise, Palawan.

Gayunpaman, nitong December 14, lang nag-upload ng mga larawan sa Instagram sina Ritz at Allan.

Dream wedding destination on our dream wedding date with the best suppliers and close friends. Thank you so much, everyone!

Ibinahagi din niya rin ang same day edit video. Kalakip nito ay pinasalamatan niya si Pat Dy.

First ever supplier na nakausap namin last year nung nagsstart kaming magplan for our wedding is @patdy11 . Very hands on. You are amazing, Pat! Thank you for being part of our wedding. It won’t be complete without you. We can’t thank you enough, you and your team. We love you!

Read also

Vicki Belo at kanyang pamilya, kinagiliwan sa kanilang TikTok video

Maiksing post naman ni Allan sa kanyang Instagram: “12.11.21 Dream come true #theGUYforRITZ”

Si Ritz Azul ay isang Filipina actress at television host na nakilala sa kanyang mga TV projects sa TV5 at ABS-CBN sa pamamagitan ng Star Magic. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Factor ng TV 5 kung saan siya ang tinanghal ng 4th Final Star.

Matatandaang nitong Nobyembre unang ikinasal ang aktres. Ayon kay Lolit Solis, mula sa mayamang angkan ang napangasawa ng aktres.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate