Scottie Thompson at Jinky Serrano, ikakasal uli sa December 16, 2021
- Isang pre-wedding video nina PBA star Scottie Thompson at Jinky Serrano ang ibinahagi ng Nice Print Photography
- Base sa nag-viral na "Save the Date" video, ikakasal uli ang mag-asawa sa December 16, 2021
- Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal dahil marami ang nagulat na hindi ang ex-fiancée na si Pau Fajardo ang kanyang pinakasalan
- Marami ang nagulat dahil marami ang umaasa na kay Pau Fajardo siya ikakasal na kanyang long-time girlfriend at naging fiancée niya matapos niyang mag-propose nitong Enero ng kasalukuyang taon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang pre-wedding video nina Scottie Thompson at Jinky Serrano ang ibinahagi ng Nice Print Photography at base sa naturang video, muling ikakasal ang dalawa ngayong December 16, 2021.
Matatandaang lumikha ng ingay ang paglabas ng balitang ikinasal na sina Scottie at Jinky dahil marami ang nagulat na hindi ang ex-fiancée na si Pau Fajardo ang kanyang pinakasalan.
Ikinagulat ng mga netizens lalo na ng mga fans na umaasa na kay Pau Fajardo siya ikakasal na kanyang long-time girlfriend at naging fiancée niya matapos niyang mag-propose nitong Enero ng kasalukuyang taon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa ibinahaging mga pictures nila, isang mensahe ang binahagi ni Scottie tungkol sa pagkakahanap niya umano ng kanyang tahanan sa puso ng kanyang kabiyak.
Ito naman ang mga reaksiyon mula sa netizens.
No doubt in my mind that everything happens for a reason. Every single thing, the good and the bad. It leads you to where you're meant to be. It led me to you.I found my home in your heart❤️ @_jinkythompson
Si Earl Scottie Carreon Thompson ay isang Filipino professional basketball player para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.
Nagsimula siyang maglaro ng basketball habang siya ay elementary pa lamang at naging bahagi siya ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region XI noong siya ay nasa High School na. Napili din siyang mapasama sa Nike Elite Camp.
Naglaro siya sa koponan ng University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Samantala, ilan sa prominenteng basketbolista ang nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro kamakailan. Kabilang sina JC Intal at Marc Pingris sa nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro.
Source: KAMI.com.gh