VP Sara Duterte, nagbitiw sa gabinete ni PBBM bilang bilang DepEd secretary
- Nagbitiw na sa pwesto bilang DepEd secretary si Vice Peresident Sara Duterte
- Nagkaroon ng Press conference ang naturang kagawaran kung saan ang bise presidente mismo ang nag-anunsyo ng kanyang desisyon
- Hindi na siya nagbigay ng ano pa mang detalye sa likod ng pagbibitiw niya sa pwesto
- Gayunpaman, asahan umano ang pagtutok na lamang niya sa posisyon at umano'y tungkulin sa pagiging bise presidente ng bansa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Gumulantang sa publiko ang pagbibitiw sa pwesto ni Vice President Sara Duterte sa pagiging Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa press conference na ibinahagi ng Deped Philippines ngayong Hunyo 19, mismong si VP Sara ang nag-anunsyo sa pagbaba niya sa pwesto ng DepEd.
"I have given my 30-day notice to ensure the proper and orderly transition for the benefit of the next secretary."
Wala naman umanong ibinigay na dahilan ang bise presidente kung bakit niya iiwan ang naturang posisyon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Mga kababayan, ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan kundi dala ng tunay na malasakit para sa ating mga gurő at kabataang pilipino."
Sa kabila nito, mananatili umano siyang bise presidente ng bansa at ito umano ang inaasahang tutukan niyang tungkulin.
Narito ang bahagi ng video na naibahagi rin ng PhilStar News:
Mayo 31 ng kasalukuyang taon nagtapos ang school year 2023-2024 at magbubukas naman ang panuruang taon 2024-2025 sa Hulyo 29. Ito ay upang masimulan na umano ang transisyon ng pagbabalik sa dating school calendar kung saan matatapos ang school year sa ikalawang linggo ng Abril. Ito ay dahil hindi lahat ng mga silid-aralan sa bansa ay air-conditioned at talagang marami umano ang nagkasakit dala ng matinding init sa patuloy na pagkakaroon ng klase kahit na buwan ng tag-init.
Matatandaang isa rin sa mga naging direktiba ng DepEd secretary Sara Duterte ay ang 'bare classrooms' para sa school year 2023-2024. Ito ay naglayon na makatutok ang mga bata sa gurő at sa araling tinuturo nito, hindi sa kung ano- ano ang mga nakadikit sa kanilang classrooms.
Samantala, sa pagbibitiw sa pwesto ni VP Sara sa DepEd, inaasahang tuloy pa rin ang implementasyon ng Matatag curriculum na sinasabing magsisimula sa pagpasok ng panuruang taon 2024-2025.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh