MGI founder, pinost ang airline tickets at mga litrato ng bahay na tinirhan umano ni Rachel Gupta
- Ipinost ni MGI founder Nawat Itsaragrisil ang airline tickets at mga litrato ng bahay na tinirhan umano ni Rachel Gupta
- Lumabas ito matapos akusahan ni Gupta ang Miss Grand International Organization ng kakulangan sa suporta at “under standard” na prize
- Ipinunto rin ni Nawat ang umano’y pagkuha ni Gupta ng trabaho nang walang abiso sa kanilang opisina
- Si CJ Opiaza mula sa Pilipinas ang itinuturing na papalit bilang bagong Miss Grand International 2024
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi pa tapos ang Miss Grand International drama! Sa sunod-sunod na Instagram Stories, naglabas ng mga dokumento at video si MGI founder Nawat Itsaragrisil bilang sagot sa mga akusasyon ni Rachel Gupta, ang nadethrone na Miss Grand International 2024 mula India. Ayon sa mga litratong ipinost ni Nawat, kabilang dito ang mga airline ticket na nagpapatunay sa umano'y mga biyahe ni Gupta patungong Guatemala at Spain bilang bahagi ng kanyang pageant duties.

Source: Instagram
Sa isang ticket papuntang Spain, nakasulat pa ang pahayag ni Nawat: “Next trip to Spain, it’s already provide air ticket and everything. So much people lost money because of her.” Kasabay nito, ibinahagi rin niya ang reklamo umano ni Gupta sa isang event sa Czech Republic na tinawag niyang "under standard." Hindi rin pinalampas ng Thai businessman ang isyu ng trabaho—aniya, kumuha raw ng engagements si Gupta nang hindi nagpapaalam sa organisasyon.
Bilang tugon sa pahayag ni Gupta na siya raw ay nanirahan sa isang “dilapidated” na bahay habang nasa Bangkok, ipinakita naman ni Nawat ang isang video ng bahay na aniya’y tinirhan ni Gupta. Isang tila dalawang palapag na bahay ito na ayon kay Nawat ay hindi raw dapat tawaging maliit o luma. “She stay in this house, during she was in Bangkok. Are you sure it is small for you?” tanong pa ng pageant head sa kanyang caption.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang kahapon lamang ay naglabas ng video statement si Rachel Gupta kung saan sinabi niyang halos siya raw ay pabayaan ng MGI habang naninirahan sa Thailand. Ani niya, siya mismo ang gumastos sa pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan, dahil isang buwang allowance lamang daw ang ibinigay sa kanya. Dahil dito, napilitan pa raw siyang humingi ng tulong pinansyal sa mga magulang.
Nag-ugat ang lahat ng ito sa opisyal na anunsyo ng MGI na na-dethrone si Gupta—isang desisyong ayon sa kanila ay base sa paglabag ng beauty queen sa ilang alituntunin. Sa ngayon, si CJ Opiaza ng Pilipinas, na nagtapos bilang 1st runner-up, ang itinuturing na papalit kay Gupta. Sa isang teaser post ni Nawat kahapon, tila kumpirmado na si Opiaza ang susunod na hahawak ng korona.
Rachel Gupta ay ang kauna-unahang Indian beauty queen na nanalo bilang Miss Grand International, ngunit maikli lamang ang naging panunungkulan niya sa korona. Kilala sa kanyang outspoken personality at matapang na paninindigan, naging viral ang kanyang tell-all video kung saan isiniwalat niya ang umano’y mga pagkukulang ng MGI sa kanya. Samantala, si Nawat Itsaragrisil ay ang founder at president ng Miss Grand International—isang Thailand-based beauty pageant na naging kilala sa pagiging transparent ngunit minsan ay kontrobersyal sa social media.
Isinauli ng Miss Grand Myanmar ang kanyang korona bilang protesta sa diumano’y dayaan at kawalang-katarungan sa pagpili ng nanalo sa Miss Grand International 2024. Inamin din ng beauty queen na hindi raw patas ang naging proseso ng pageant at tila may paboritismo. Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang MGI tungkol dito.
Matapos ang kontrobersyang pagbabalik ng korona, tuluyan nang pinutol ng Miss Grand International ang ugnayan nito sa Myanmar pageant. Ayon sa opisyal na pahayag ng MGI, ang Myanmar national pageant ay hindi na awtorisadong magpadala ng kandidata sa susunod na edisyon. Isa itong hakbang ng MGI para mapanatili raw ang integridad ng kompetisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh