Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."

Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."

- Nagkomento si Miss Grace sa isang post kaugnay sa pahayag ng ex niyang si Joel Mondina

- Ito yung kanyang sinabi na magta-tatlong taon na raw kaya dapat ay mag-move on na sila

- Ani Miss Grace, noong nakaraang taon lang sila naghiwalay kaya parang inamin daw nito na nagloko siya sa loob ng tatlong taon

- Burado na sa kasalukuyan ang naturang post kasunod ng nilabas na reaction video ni Miss Grace sa Ogie Diaz interview ni PK

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Miss Grace ang naging pahayag ng ex niyang si PK na magta-tatlong taon na raw kaya dapat mag-move on na. Binanggit ni Miss Grace na January lang ng taong 2022 sila naghiwalay kaya parang inamin daw nito na nagloko siya sa loob ng tatlong taon.

Read also

Alex Gonzaga, ibinahaging may masakit na pinagdadaanan sila ng asawa

Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."
Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."
Source: Facebook

Naglapag pa si Miss Grace ng post ni PK na magkasama sila kung saan makikita ang petsa kalakip ng kopya ng naging post ni PK sa kanyang Facebook account. Dagdag pa niya, kung talagang nakapag-move on na ang ex dapat ay burahin nito lahat ng videos at pictures ni Miss Grace sa kanyang channels.

Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."
Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

So you just admitted you've been cheating on me for three years now. We just broke up in January 2022. So stupid. I have moved on. Who wants to be with a cheater, liar and a user?

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Read also

Miss Grace, nagpasalamat sa mga suportang natanggap niya

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate