'Pastillas Girl' Angelica Yap, binahagi ang kanyang rhinoplasty journey

'Pastillas Girl' Angelica Yap, binahagi ang kanyang rhinoplasty journey

- Binahagi ni Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas girl ang video kung saan sumailalim siya sa rhinoplasty

- Isa umano sa dahilan ng kanyang naging pasya ay dahil gusto niyang umayos ang paghinga niya dahil matagal nang barado ang isang bahagi ng ilong niya

- Aniya, bonus na lang para sa kanya ang magiging kalalabasan sa kanyang itsura kapag natapos na ang kanyang operasyon

- Masaya naman siya nang makita ang kinalabasan ng pinagawa niya matapos matanggal ang takip sa kanyang ilong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni 'Pastillas Girl' Angelica Yap ang kanyang rhinoplasty journey. Nilinaw niyang isa sa dahilan ng kanyang pagpapaopera ay dahil gusto niyang umayos ang paghinga niya dahil matagal nang barado ang isang bahagi ng ilong niya.

'Pastillas Girl' Angelica Yap, binahagi ang kanyang rhinoplasty journey
'Pastillas Girl' Angelica Yap, binahagi ang kanyang rhinoplasty journey (@angelicajaneyap)
Source: Instagram

Alagang-alaga naman siya ng kanyang boyfriend na si Flow G matapos ang kanyang operasyon. Nang bago pa lamang ang kanyang operasyon ay namaga din ang mukha niya. Gayunpaman, nang tinanggal na ang tahi at ang takip sa kanyang ilong ay natuwa siya sa kinalabasan.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Hindi umano masyadong nag-iba ang mukha niya at kaunti lang ang binago sa kanyang ilong. Naramdaman niya din na mas maginhawa na ang kanyang paghinga kahit hindi pa tuluyang naghilom ang mga sugat sa kanyang pagpapaopera.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Inamin naman ni Angelica na nasasaktan siya sa mga pang-ba-bash at pambabatikos ng mga fans ng AlDub. Isa si Angelica sa kasalukuyan sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 3 milyon ang subscribers. Kamakailan ay pinakita nito ang bagong bahay na tinitirahan nila ng kanyang boyfriend na si Flow G. ng Ex-Battalion.

Naging usap-usapan ang content creator na si MG matapos nitong ilabas ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel