Jude Bacalso, sinampahan ng patong-patong na kaso ng waiter na tumawag ng sir sa kanya
- Isang waiter ang nagsampa ng reklamo laban sa Cebu personality na si Jude Bacalso matapos siyang patayuin nang halos dalawang oras sa isang restaurant
- Nag-ugat ang insidente nang maliin ng waiter ang pagtawag kay Bacalso ng "sir" na nagresulta sa viral na video noong Hulyo 21
- Nagsampa ang waiter ng mga kaso tulad ng Unjust Vexation, Grave Scandal, Grave Coercion, Grave Threats, at Slight Illegal Detention noong Agosto 28
- Naghihintay ang publiko sa magiging tugon ni Bacalso sa mga paratang na ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsampa ng multiple charges ang isang waiter laban kay Jude Bacalso, isang kilalang personalidad sa Cebu, matapos itong pagpintuhin nang halos dalawang oras sa isang restaurant dahil sa pagkakamali ng pag-tawag dito ng "sir."
Naging usap-usapan si Bacalso matapos mag-viral ang isang video noong Hulyo 21, kung saan makikita siyang kinompronta ang waiter sa isang restaurant.
Noong Miyerkules, Agosto 28, pormal nang naisampa ang mga reklamo laban kay Bacalso sa Cebu City Prosecutor’s Office. Kabilang sa mga isinampang kaso ang Unjust Vexation, Grave Scandal, Grave Coercion, Grave Threats, at Slight Illegal Detention.
Ayon sa waiter, labis siyang napahiya at natakot sa ginawa ni Bacalso, na siyang nagtulak sa kanya upang magsampa ng kaso. Patuloy namang inaabangan ng publiko ang magiging tugon ni Bacalso sa mga alegasyong ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang "misgendering" ay ang pagtukoy o pagtawag sa isang tao gamit ang maling kasarian o gender pronouns na hindi tumutugma sa kanilang gender identity. Halimbawa, kapag ang isang taong nagpapakilala bilang babae ay tinawag na "sir" o ginamit ang mga panghalip na "he" at "him," ito ay isang anyo ng misgendering.
Maging ang content creator na si Tito Mars ay naghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu ng LGBTQ member na si Jude Bacalso. Aniya, mukha namang lalaki ito kaya dapat ay hindi magalit ito na tawaging 'sir.' Maging siya daw pag nagkita sila ay hindi mapagkakamalan ni Tito Mars na babae ito. Aniya, ito ang mahirap sa ibang miyembro ng LGBTQ, ang pagiging sobrang 'feelingera' at entitled.
Ipinaliwanag ni Jude Bacalso ang viral na larawan kung saan siya umano'y pinapagalitan ang isang waiter sa Cebu. Sinabi niyang tinanong niya ang waiter kung nais nitong umupo at magpahinga ngunit tumanggi ito. Nilinaw ni Bacalso na walang malisya sa insidente at ginamit niya ito bilang pagkakataon para magturo ng gender sensitivity. Binatikos siya online ngunit ipinahayag niya na hindi niya pinag-demand na tumayo ang waiter sa buong pag-uusap.
Source: KAMI.com.gh