Whamos, nagpaliwanag tungkol sa pagpapainom nila ng tubig sa anak nila

Whamos, nagpaliwanag tungkol sa pagpapainom nila ng tubig sa anak nila

- Minabuti nina Whamos Cruz at Antonette Gail na magpaliwanag tungkol sa mga komento ng netizens sa kanilang mga ginagawa bilang first time parents

- Aminado sila na wala silang ideya tungkol sa mga bagay na pinuna sa kanila pero nagpapasalamat sila na may nagtatama sa kanila

- Kabilang nga sa mga pinuna sa kanila ay ang pagpapainom nila ng tubig sa anak nila dahil masyado pa itong bata para uminom ng tubig

- Ayon sa kanila, maigi din yung may nagtatama sa kanila dahil wala pa silang masyadong alam tungkol sa pag-aalaga sa bagong silang na sanggol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kina Whamos Cruz at Antonette Gail, base sa pedia na nakausap nila ay pwedeng bigyan ang anak nila ng tubig ngunit kaunti lang dahil nakainom umano ito ng formula milk. Ayon sa kanila, maigi din yung may nagtatama sa kanila dahil wala pa silang masyadong alam tungkol sa pag-aalaga sa bagong silang na sanggol.

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Whamos, nagpaliwanag tungkol sa pagpapainom nila ng tubig sa anak nila
Whamos, nagpaliwanag tungkol sa pagpapainom nila ng tubig sa anak nila (@Whamoscruz)
Source: Facebook

Aminado sila na wala silang ideya tungkol sa mga bagay na pinuna sa kanila pero nagpapasalamat sila na may nagtatama sa kanila. Hiling ni Whamos, sana ay itama na lang sila at huwag na silang batikusin.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel