Toni Fowler: "Di alam neto kung ano ang totoong paghihirap kaya nag react mga tao"

Toni Fowler: "Di alam neto kung ano ang totoong paghihirap kaya nag react mga tao"

- Nag-post si Toni Fowler kaugnay sa aniya'y taong naglabas pa ng picture para lang patunayang nahirapan siya

- Gayunpaman, aniya ay maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho ang taong kanyang tinutukoy

- Dagdag pa niya ay hindi umano alam ng taong ito ang totoong paghihirap kaya marami ang umalma

- Nabanggit niya din na masyadong pinapatunayan ng di pinangalanang tao ang paghihirap umano niya para lang maka-connect sa tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Toni Fowler, nabanggit niya ang tungkol sa aniya'y taong naglabas pa ng picture para lang patunayang nahirapan siya. Hindi niya pinangalanan kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang post ngunit aniya ay hindi umano alam ng taong ito ang totoong paghihirap kaya marami ang umalma.

Toni Fowler: "Di alam neto kung ano ang totoong paghihirapkaya nag react mga tao"
Toni Fowler: "Di alam neto kung ano ang totoong paghihirapkaya nag react mga tao" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Dagdag pa ni Toni, maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho ang taong kanyang tinutukoy. Nabanggit niya din na masyadong pinapatunayan ng di pinangalanang tao ang paghihirap umano niya para lang maka-connect sa tao.

Read also

Xian Gaza, pinabulaanang klepto siya; "That's not me, 100% fake news"

YUNG NAGLABAS KA PA NG PICTURE JUST TO JUSTIFY NA NAHIRAPAN KA TALAGA pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho. Di alam neto kung ano ang totoong PAGHIHIRAP kaya nag react mga tao. IBA YUNG NAG STRUGGLE SA NAGHIRAP MASYADONG PATUNAY PARA LANG MAKA CONNECT SA MASA. Pass ako dyan boss HAHAHAHA

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel