AiAi, kinumpirmang hiwalay na sila ni Gerald sa mismong araw ng 60th birthday niya

AiAi, kinumpirmang hiwalay na sila ni Gerald sa mismong araw ng 60th birthday niya

- Kinumpirma ni AiAi Delas Alas ang naging maugong na hiwalayan nila ng mister na si Gerald Sibayan

- Sa Fast Talk with Boy Abunda, idinetalye niya ang mga pangyayari paano humantong sa hiwalayan ang 10 taong pagsasama

- Nasabi rin ni AiAi ang mga dahilang ibinigay sa kaya ni Gerald

- Gayunpaman, pinili ni AiAi na maging tahimik muna sa mga nangyari subalit malaki ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya at sa kanilang buhay may asawa ni Gerald

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa mismong araw ng kanyang ika-60 na kaarawan, kinumpirma ni AiAi Delas Alas ang hiwalayan nila ng asawang si Gerald Sibayan.

AiAi Delas Alas, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Gerald Sibayan: "Last month pa"
AiAi Delas Alas, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Gerald Sibayan: "Last month pa" (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Sa Fast Talk with Boy Abunda, nailahad ni AiAi ang detalye na tila pinakaabangan ng publiko lalo na at labis nang umugong ang balitang tapos na ang 10 taong relasyon nila ng mister.

"Oo hiwalay na kami... Last month pa. Basta, hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya, madaling araw dito sa Pilipinas. 'Yun nga sinabi niya na gusto niyang magkaanak, hindi na siya happy, medyo confused ako, and shocked and bakit ngayon, ngayong oras na 'to. Sana inintay mo manlang akong makauwi sa Amerika. Maraming bakit, na-confused ako na in fairness wala naman talaga kaming pinag-awayan."

Read also

Alexa Ilacad, pinagsasabihan ang mga fans ni Fyang Smith sa kanyang live

Ani Aiai, sa pagsisimula pa lamang ng kanilang relasyon, naihanda naman na niya ang kanyang sarili sa ganitong klaseng sitwasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, inamin niyang umasa pa rin siya na baka si Gerald na nga ang makakasama niya habang buhay.

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang 'Ang Tanging Ina.' Sa naturang pelikula niya naging anak si Jiro Manio na maging sa totoong buhay ay trinato na niyang parang anak sa tulong na naibibigay nito sa dating aktor.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nabanggit nito ang nabalitaang aso na lamang ang nadatnan ni AiAi nang minsan siyang magbalik sa kanilang tahanan sa Amerika. Ito ay kaugnay sa usap-usapang hiwalayan nina AiAi at Gerald na hinihintay na ng marami ang kumpirmasyon kung ito ba ay may katotohanan o may pinagdaraanan lamang ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald

Naibahagi rin ni Ogie Diaz ang umano'y naging reaksyon ni Sancho, panganay na anak ni AiAi sa hiwalayan ng ina at ni Gerald Sibayan. Maging si Sancho ay nagulat at nalungkot sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica