Wallet na inakalang nawala, nauna pang "makauwi" kaysa sa may-ari
- Viral ang pagsasauli ng wallet ng isang netizen sa kanila mismong bahay
- Nanlumo raw siya nang inakalang tuluyan nang nawala ang kanyang pitaka
- Naglalaman daw kasi iyon mga mahahalagang ID niya at syempre pera
- Laking gulat niya nang malamang nauna na pala sa kanya ang kanyang wallet dahil sa sinadya pa talaga ng nakapulot nito ang bahay ng may-ari
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na hinangaan ang isang lalaking nagngangalang Maynard Ronquillo na nakapulot ng wallet ni Hans Asenci.
Kwento ni Hans sa Philippine Star, kumain sila noon sa isang restaurant sa Samapaloc nang napagtanto niyang nawawala pala ang kanyang wallet.
Nalaman ng KAMI na tanggap na sana ni Hans na di na muling maisasauli sa kanya ang pitaka.
Nakarating na siya ng bahay nang makatanggap siya ng text.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Doon nalaman niyang nauna pang makarating ang kanyang wallet sa kanilang bahay.
Sinadya talaga ni Ronquillo ang bahay nina Hans upang maibalik ang pitakang naglalaman din ng mahahalagang IDs.
Sa labis na kasiyahan, bibigyan sana ni Hans ng pabuya ang nagsauli ngunit di niya ito tinanggap. Masaya na raw ito na nakatulong sa kanyang kapwa.
Dahil dito, umani ng papuri si Ronquillo at sana raw ay tularan ito ng makararami.
"To Mr Maynard Ronquillo salute to you. God bless you a thousand fold because of your good deeds"
"Sana all like nung cellphone ko hnd man lang sinoli ng nakapulot may contact number naman yung likod ng case haaaaist
"God bless you a thousandfold, Sir Maynard Ronquillo. Pagpalain ka sana ant ang iyong pamilya sa iyong ginawang kabutihan."
"God bless Mr. Maynard Ronquillo, Si God na bahala sa u. Sa kabutihan ginawa mo sa kapwa. Salamat"
"Patunay na may mga taong may mabubuting kalooban"
"Sana nako-clone din ang maganda at kabutihang asal ng tao."
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh