'Di raw ito tama: Burol sa basketball court, ikinabahala ng mga netizens

'Di raw ito tama: Burol sa basketball court, ikinabahala ng mga netizens

- Marami ang napataas ang kilay sa post tungkol sa burol na ginawa sa basketball court

- Ayon sa pamilyang namatayan, di raw umano sila tinanggap sa chapel ng kanilang lugar dahil sa wala silang pambayad

- Panawagan ng netizen na nag-post na sana ay maaksyunan ito at sadyang kalunos-lunos ang kalagayan ng burol

- Wala man lang daw kasi itong trapal kung saan mayroon sana silang masisilungan

Agaw eksena sa social media ang nakakadurog ng pusong kalagayan ng isang pamilyang namatayan at ang burol ay nasa basketball court lamang.

Sa post ng netizen na si John Carlos Acob, makikita ang pumanaw na pinaglalamayan sa isang court sa labas ng kapilya ng Brgy. Sambat sa San Pascual, Batangas.

Ayon sa pamilya, wala raw umano silang perang pambayad sa kapilya upang doon iburol ang yumaong mahal nila sa buhay.

Hindi rin daw kasi pumayag ang kapilya na wala silang ibayad.

Agad na ipinanawagan ito ng netizen at nilagyan ng caption ang post na "Sobrang nakakadurog ng puso. Sana maaksyonan agad ito."

'Di raw ito tama: Burol sa basketball court, ikinabahala ng mga netizens
source: John Carlos Acob Facebook
Source: Facebook

Nakilala ang yumao na si Rolando Gonzales. Nakaranas lamang ito ng sobrang pananakit ng tiyan at sa kasamaang palad, walang pampagamot ang kanyang pamilya sa idinadaing na sakit.

Kamalasan pa, binawian ito ng buhay. Hindi pa rin tumigil ang suliranin dahil wala ring sapat ng pera ang naiwan niyang mahal sa buhay para sa kanyang libing.

Kaya naman maging ang mga netizens ay naawa at nahabag sa kalagayan ng yumao gayundin sa pamilyang naiwan nito.

Wala man lang daw kasing trapal sa basketball court na maaring silungan ng mga nakikiramay.

Maging ang pamilya at mismong ang labi ay bilad sa arawan o kamalasan ay kung ito pa ay inulan.

Sana raw ay pinakitaan ng awa ang mag-anak na kahit isang araw ay maayos na maiburol ang labi sa kapilya.

Ngunit dahil sa post ni John Carlos, mayroon daw na nagmagandang loob na tumulong sa pamilya at kalaunan ay nabigyan ng maayos na burol at libing si Gonzales.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica