Adik sa online games, natagpuang walang buhay sa harap mismo ng kanyang computer

Adik sa online games, natagpuang walang buhay sa harap mismo ng kanyang computer

- Wala nang buhay nang madatnan ang binatilyo sa Thailand na di umano'y lulong na sa paglalaro ng online games

- Aminado ang mga magulang na adik na sa paglalaro ang anak na di nila magawang pigilan pa

- Dinadalhan pa nga raw ito ng pagkain dahil di na ito halos lumabas ng kwarto

- Gising daw ito kapag gabi at pag maliwanag na, tinatakpan na lamang niya ng kurtina ang kwarto upan maging madilim muli

- Matagal-tagal nang kinumpirma ng World Health Organization na ang gaming addiction ay isa nang mental disorder

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang malay nang matagpuan ang binatilyong lulong na di umano sa online games.

Nakilala ang 17-anyos na si Piyawat Harikun na mula sa Udon, Thailand.

Ayon sa ABS-CBN News, sinabi ng mga magulang ni Piyawat na talagang di na lumalabas ng kwarto ang anak dahil sa sobrang pagkalulong sa multiplayer battle games.

Pansin nilang hindi na ito natutulog pag gabi at pag umaga naman, isinasara naman nito ang kurtina ng kanyang kwarto at magpapatuloy sa paglalaro.

Sa kabila nito, nagmamalasakit pa rin ang kanyang mga magulang sa kanya kaya naman dinadalhan pa rin nila ito ng pagkain sa kwarto.

Ayon pa sa Seven News, isang television news service sa Australia, sinasabihan naman daw si Piyawat ng kanyang mga magulang na itigil na ang labis na paglalaro ngunit talagang nalulong na raw ito ay hindi na nila magawang pigilan.

Nobyembre 4, nang ang mismong ama ni Piyawat na si Jaranwit ang nakakita sa anak na wala nang buhay.

Adik sa online games, natagpuang walang buhay sa harap mismo ng kanyang computer
source: Facebook
Source: Facebook

Sinubukan pa nitong i-revive ang anak ngunit di na ito rumeresponde kaya naman tinanggap na lamang niyang wala na talaga itong buhay.

Lumabas sa pagsusuri na stroke ang ikinamatay ng binatilyo dahil sa magdamagang paglalaro ng online games.

Magsilbing babala na rin ang nangyaring ito ayon sa kay Jaranwit at patnubayang mabuti ang mga anak at huwag nang paabutin pa sa puntong inabot ng kanyang anak.

Maaalalang kinumpirma na ng World Health Organization na isa nang mental disorder ang gaming addiction.

Maaring di nalalaman ng ilang mga magulang na na dumaranas na ng ganitong kondisyon ang anak kaya nararapat lamang na patnubayan ang mga anak lalo na pagdating sa paglalaro ng online games.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica