Grade 1 student, hinangaan sa pagbibigay ng pagkain sa mga biktima ng lindol
- Marami ang natuwa sa ginawang pagtulong ng isang grade 1 student sa mga biktima ng lindol sa Cotabato
- Viral ang larawan niyang namimigay ng mga pagkain na kailangan talaga ng mga tao roon
- Bahagi raw ito ng isang outreach program sa mga komunidad sa Mindanao na nawalan ng mga tirahan at kabuhayan dala ng malakas na lindol
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nito lamang huling linggo ng Oktubre nang ilang beses na niyanig ang Mindanao partikular na ang North Cotabato ng malalakas na lindol.
Dahil dito, marami ang nawalan ng tahanan at maging kabuhayan kaya naman marami rin sa ating mga kababayan ang nangailangan ng tulong.
Dumagsa ang mga donasyon pera man o mga gamit at pagkain mula sa mga kababayang nagmalasakit na tumulong sa mga nasalanta ng malalakas na pagyanig.
Isa na rito ang Grade 1 pupil na sa mura niyang edad ay sumama na sa outreach program ng isang business community.
Binahagi ng Philippine Star ang larawan ng batang matiyangang namimigay ng tinapay.
Isa kasi ito mga pangunahing pangangailangan ng mga tao roon bukod sa maayos na mahihigaan at masisilungan.
Sinadya nila ang Makilala, North Cotabato na isa sa matitinding tinamaan ng lindol.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tulad na lamang ng nauna nang mga naibalita ng KAMI kung saan namakyaw ng trapal at kumot ang isang Syrian vlogger para lamang ibigay sa mga wala pa ring maayos na tirahan sa Mindanao.
Samantala, marami ang napabilib ng batang ito dahil sa kanyang murang edad, nangingibabaw na agad ang pagtulong niya sa mga kababayan sa oras ng kagipitan.
Ayon pa sa mga netizens, sana raw ay tularan ang batang ito na habang maaga pa ay marunong nang magmalasakit sa kapwa niyang nangangailangan.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!
Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh