Lalaking nagpropose sa isang fast food restaurant, hinamak ng isang journalist

Lalaking nagpropose sa isang fast food restaurant, hinamak ng isang journalist

- Isang proposal sa South Africa ang nag-trending sa social media

- Ito ay matapos ibahagi ng isang journalist ang video ng proposal ng lalaki

- Hinamak nito ang mga South African na lalaki dahil mahirap lang daw sila

- Gayunpaman, dahil sa kanyang tweet, bumuhos ang mga nais magbigay ng tulong para sa kasal ng magkasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki ang hinamak ng isang journalist nang mag-propose ito sa kanyang kasintahan sa isang fast food restaurant. Sa Twitter, sinabi ng journalist na walang class at mahirap lang ang mga South African men.

Sa kanyang panghahamak, hindi niya alam na ito pala ang magiging daan para bumuhos ang mas maraming biyaya para sa magkasintahan.

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang tweet ng journalist hanggang sa nakarating sa iba't-ibang kumpanya ang tungkol sa viral ng proposal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang sikat na wedding planner ang sumagot sa pagpaplano ng kanilang kasal. May iba't-ibang sponsors din na nagpahiwatig ng kanilang pagnanais na magbigay para sa kasal.

May mga sikat na mang-aawit na nagpresentang mag-perform sa kasal nila. Kahit ang kanilang bakasyon at hotel accommodations ay sagot na ng mga sponsors.

Sadya nga namang hindi natin masasabi ang maaring mangyari sa atin. Sino ba naman ang mag-iisip na ang isang pang-iinsulto ay maghahatid ng maraming biyaya sa taong inaapi.

Tunay ngang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakumbabá ay itataas.

POPULAR: Read more viral stories here

Showbiz Kami: Celebrities Who Helped Quake-Hit Mindanao Victims | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

It is sad events that test us as a society. Following the Mindanao earthquake, numerous Filipino celebrities stepped in to help fellow citizens who suffered from the consequences.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: