May kondisyon: Mayor Isko, payag sa pagbabalik ng mga street vendors sa Divisoria
- Pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno na magbalik sa Divisoria ang mga street vendors sa lugar
- Natuwa ang mga dating nakapwesto roon at malaking bagay daw ito lalo na at magpapasko
- Kailangan lamang ng mga itong sumunod sa mga kondisyon na ibinigay ng alkalde
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muli nang pinapayagan ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno na makapagtinda muli ang mga street vendors ng Divisoria.
Ayon sa Inquirer, binigyang permiso na ang mga maliliit na negosyante sa lansangan ng Divisoria ngunit kailangan nilang sumunod sa ilang kondisyon.
Una na rito ang lawak ng espasyo ng kanilang ookupahan. 1 meter by 1 meter ang binigay na sukat sa kanila ng bawat stalls na kanila muling itatayo.
Importante rin na maayos pa ring makakadaan ang mga sasakyan kahit pa may mga stalls na muli sa kalsada.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa ngayon, mayroon nang mga pwesto sa Carmen Planas at Tabora Street at bahagi ng Ilaya Street malapit sa Moriones.
Samantala, ang mga kalsada tulad ng Juan Luna Street at Recto Avenue ay di pa rin maaring okupahan ng mga street vendors.
Inaasahan ng alkalde ang mahigpit na pagsunod ng mga tindero upang sa gayon ay maging masaya rin naman ang kanilang pasko dahil sa mayroon silang kinita.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Teleserye titles might be tricky. Sometimes we couldn't even imagine to what extent!
Tricky Questions: Guess The Teleserye Challenge | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh