Isko approved! Bagong mukha ng Jones Bridge, ibinida sa isang prenup shoot

Isko approved! Bagong mukha ng Jones Bridge, ibinida sa isang prenup shoot

- Ipinagmalaki ni Mayor Isko Moreno sa kanyang FB account ang bagong mukha ng makasaysayang Jones Bridge sa Maynila

- Ibinida pa nga ito sa isang prenup shoot ng isang couple na talaga namang kahanga-hanga ang kasiglahan sa larawan

- Marami ang pumuri sa malaking pagbabago na ito ng Jones Bridge at sa puspusang trabaho ni Yorme para mapaganda ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ni Manila Mayor "Isko Moreno" Domagoso sa kanyang social media account ang bagong mukha ng makasaysayang Jones Bridge.

Viral na rin ngayon ang prenup shoot ng couple na sina Meyrick at Bernardine na itinampok ang mala-Paris na ganda ng Jones Bridge.

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Mayor Isko ang Peach Frost Studio na siyang kumuha ng magagandang larawan at maging ang couple.

"Maraming salamat po sa couple, Meyrick at Bernardine, pati na rin po sa Peach Frost Studio sa appreciation niyo po sa ating efforts para pagandahin ang ating makasaysayang Jones Bridge!!! Ang ganda po ng prenup!"

Maraming netizens naman ang pumuri sa bagong mukha ng makasaysayang Jones Bridge at siyempre pa, maging ang puspusang trabaho ni Mayor Moreno para mapaganda ito.

"Ang GANDA. Akala ko sa Europe. What the Philippines could be under GOOD management."

"Kamukha nga po siya ng Famous Bridge ng Paris Pont Alexander III."

"It's actually a breathless scenery, thanks Yorme for a wonderful restoration of that bridge."

"Partida hindi pa tapos yun jones bridge."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel