Modus ng lalaking kunwaring may malubhang sakit para makahingi ng tulong, bistado
- Ibinulalas ng isang netizen ang di umano'y panloloko ng isang lalaki na nagpapanggap na may malubhang sakit
- Nagkukunwari pa umano itong nahihimatay upang makahingi ng tulong lalo na ang tulong pinansyal
- Maging si Mayor Isko Moreno ay nabiktima di umano ng panloloko na ito ng lalaking
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinunyag ng netizen na si Jessant So sa kanyang Facebook post ang di umano'y modus ng lalaking si Daniel Peretero Jebulan o mas kilala bilang si Baleleng.
Idinetalye ng netizen ang pagkukunwaring may sakit ni Baleleng na nag-umpisa pa sa Albay sumunod sa Sorsogon at kamaikailan lamang ay sa Maynila.
Sa salaysay ni Jessant, nagpapanggap si Baleleng na may malubha siyang karamdaman.
Nagkukunwari itong hinihimatay hanggang sa makalikom siya ng tulong mula sa mga taong kanyang nalilinlang.
Maging ang matulungin na alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay nagawa ring maloko di umano ni Baleleng.
Iba naman ang kwento ng lalaki kay Yorme Isko. Bagaman at hinimatay din siya na kadalasan niyang ginagawa bilang modus, sinabi niyang nais niyang makita ang alkalde para matupad ang hiling ng ama na may kanser.
Napaunlakan naman siya ng Yorme at siyempre, natulungan din siya nito.
Magsilbing babala raw ang post ni Jessant sa publiko lalo pa at parami na ng parami ang mga naloloko ni Baleleng.
Narito ang kabuuan ng post:
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???
Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh