Sekyu, nagmalasakit na pakainin at bigyan ng pamasahe ang mag-aamang naligaw
- Viral ang post tungkol sa isang security guard na naawa sa mag-aamang naligaw sa Laguna
- Papunta sana ito sa Lemery, Batangas dahil namatay na pala ang ina ng mga bata
- Dahil dito, di nagdalawang isip ang sekyu na tulungan ang mag-aama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ang post ng netizen na si Racel Diola Melargo tungkol sa isang security guard na may ginituang puso sa pagtulong nito sa mag-aama.
Ayon sa Hanep TV, naligaw ang mag-aama sa San Pablo sa Laguna gayung dapat ay sa Lemery, Batangas ang kanilang patutunguhan.
Nalaman ng KAMI na isa sa mga anak ang nagtanong sa security guard at itinuro naman nito ang sakayan patungong Lemery.
Ngunit nalaman nito na wala na palang pamasahe ang mag-aama kaya naman nagtitiyaga silang maglakad.
Ang mas lalo pa raw na nakadurog ng puso ng guwardiya ay nang malamang kaya sila pupunta ng Lemery ay dahil sa ina ng mga bata na pumanaw na.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Dito na nag-atubili ang sekyu na tulungan ang mag-aama. Pinakain muna niya ito at saka binigyan ng pamasahe.
Bukod pa rito, nagpakimkim pa ito ng mababaon pauwi sa kinaroroonan ng labi ng ina ng mga bata.
Nabanggit pa sa post na naluha pa ang guwardiya habang hinahatid nito ang mag-aama sa sakayan ng bus sa tindi ng awa niya sa mga ito.
Tunay na kahanga-hanga ang ginawa na ito ng sekyu na sana ay mabigyan ng pagkakakilalan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???
Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh