Mga video ng paghihirap ng yumaong PMA Cadet na si Dormitorio, lumabas

Mga video ng paghihirap ng yumaong PMA Cadet na si Dormitorio, lumabas

- Ilang video ng yumaong si PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang lumabas na nakuhanan ilang araw at oras bago siya pumanaw

- Matatandaang namatay si Dormitorio dahil sa hazing ayon mismo sa PNP

- Ayon sa ulat, hindi na nagbigay ng pahayag ang AFP kaugnay ng video ngunit nangako naman ang mga ito na patuloy ang aksyon sa kaso ng kadete

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hinang-hina at hirap na hirap ang yumaong si Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa mga video na nakuha ng pamilya nito.

Kuha ito ilang araw at oras bago siya tuluyang pumanaw dahil sa mga tinamong pangmamaltrato mula sa mga upperclassmen nito, base sa ulat ng GMA News.

Namatay si Dormitorio noong September 12 dahil sa hazing ayon mismo sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang video na kuha noong September 12, sa loob ng kwarto ng mga suspek na sina 3rd Class Cadets Felix Lumbag Jr. at Shalimar Imperial, makikita pa na namamaga ang pisngi ni Darwin at hirap na magsalita, iba na rin ang boses nito.

Ngunit sa kabila nito, pinakanta pa rin si Dormitorio. Sa isang bahagi, sinabi nito na nag-iba ang boses nito dahil sa kanyang ngipin ngunit giit ng kapatid nito, dahil ito sa tinamong pinsala sa leeg.

Sa isa pang video na kuha noong September 17, sa kwarto pa rin nina Lumbag at Imperial, makikita si Dormitorio na hirap na hirap na nag-e-ehersisyo.

Makikita rin sa video na ito na hirap nang magsuot ng medyas ang yumaong kadete.

Maya-maya pa, maririnig ang ilang sigawan at kalabog ngunit wala nang makikita sa video.

Nangyari ito ilang oras bago tuluyang bawian ng buhay si Dormitorio.

Noong araw ding iyon ay nagpunta ito sa ospital ngunit na-discharge din dahil na-diagnose ito na mayroong lang daw UTI.

Ngunit giit ng kapatid ni Dormitorio, hindi lang UTI ang iniinda ng kapatid na makikita naman sa video.

Sabi sa ulat, hindi na nagbigay ng pahayag kaugnay ng video ang Armed Forces of tth Philippines (AFP) ngunit ayon sa kanila, patuloy ang aksyon sa kaso ni Dormitorio.

Isa rin daw itong patunay na mayroong hazing sa PMA na dati na nilang sinabi.

Sa autopsy na inilabas ng mga awtoridad, namatay si Dormitorio dahil sa acute peritonitis secondary to blunt traumatic injury to the abdomen, na una nang naibalita ng .

Sa pinakahuling ulat, 13 na ang kinasuhan dahil dito kabilang ang mga doktor na sumuri kay Dormitorio at ilang opisyal ng PMA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We all know that feeling when your favourite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone