Masayahin kasi: Tagalog sign na "Huwag maingay!", nakapaskil sa mga bus sa Taiwan

Masayahin kasi: Tagalog sign na "Huwag maingay!", nakapaskil sa mga bus sa Taiwan

- Viral ang post ng isang OFW na nakunan ng larawan ang sign na "Huwag maingay!" sa bus sa Taiwan

- Magsilbing paalala raw ito sa mga Pinoy na nakikilala na roon dahil sa lakas ng pakikipag-usap at tawanan kaya nagpaskil na ng paalalang huwag maingay sa mga bus

- Sadya raw kasing masayahin at masarap makipagkwentuhan ang mga Pinoy ngunit dapat lamang paalalahanan na wala sila sa sarili nilang bansa na pangkaraniwan lamang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan sa social media ang binahaging larawan ni Ariel Gonzales Abalos kung saan may paskil na "Huwag maingay!" ang bus na nasakyan niya sa Taiwan.

Ayon sa ABS-CBN, sa sobrang masayahin daw kasi ng mga Pinoy, di maiwasang magkwentuhan sila ng malakas ngunit di nila nalalamang may hindi na natutuwa sa gawi nilang iyon.

Nabanggit din ni Ariel na maging babala ito sa mga Pinoy lalo pa at tinagalog ang babala. Nangangahulugan daw na patama ito sa mga Pinoy na siyang pinatutungkulang "maiingay."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan daw kasi, nasasaway pa ng naka-microphone ang ilang Pilipino roon o minsan ng mga Taiwanese na pasahero rin ng bus.

Bagaman at nakakahiya raw ang signage na ito, magsilbing aral na lamang ito sa atin na kahit pa sabihing masarap lamang makipagkwentuhan ang mga Pinoy, manatili dapat na "behave" lalo pa kung nasa ibang lugar.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel