Mister, ibinahagi kung bakit binibigay niya lahat ng sahod niya kay misis

Mister, ibinahagi kung bakit binibigay niya lahat ng sahod niya kay misis

- Ikinuwento ng isang netizen ang kanyang buhay pagiging mister at provider sa pamilya

- Giit ng netizen, ang asawa niya ang may hawak ng lahat ng ATM cards

- Ipinagkatiwala na ni mister ang kanyang sahod kay misis dahil mas magaling umano ito mag-budget

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang mister ang nagbahagi ng kanyang kwento kung bakit ipinagkakatiwala niya sa kanyang misis ang mga sahod niya.

Nalaman ng KAMI na para kay mister, mas magaling mag-budget ang mga misis.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Kevz Ching, lahat ng kanyang ATM cards ay nasa misis niya.

“Sa 6 years ko ng nagtatrabaho, isa lang maipagmamalaki ko, lahat ng ATM ko hawak ng asawa ko,” sabi nito sa post.

“Oo. Realtalk, lahat ng ATM ko sa lahat ng pinag'trabahuan ko, once ko lang nahawakan. Di ko na nga alam kung pangalan ko pa nakalagay sa ATM ko eh,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit ni Kevz, mukha lang madali ang pag-bu-budget ng pero subalit ang katotohanan ay napakahirap nito.

“Di ka lang gagastos makakapagipon ka na pero in reality, hindi ganun kadali ang ginagawa nila,” aniya.

“Sa sobrang dami ng bayarin at nagmamahal na presyo sobrang hirap ang pagbubudget. Minsan na din kami nag'away dahil nagtanong ako kung san napunta yung pera, pero kapag na'ipalawanag na nya kung saan napunta, mapapaisip ka nalang talaga. Oo nga noh? Sobrang hirap talaga magbudget,” patuloy pa nito.

Kaya naman, labis ang tuwa ni Kevz dahil magaling mag-budget ang kanyang naging partner. Giit niya, nakakawala ng pagod sa trabaho ang makitang komportable sa buhay at masaya ang pamilya niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Firsts And Lasts Game: Carlo Aquino's First Heartbreak Story — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel