Educ graduate na naging fast food manager, may mensahe sa mga nambabatikos sa kanya

Educ graduate na naging fast food manager, may mensahe sa mga nambabatikos sa kanya

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang naging karanasan bilang fast food manager

- Nagtapos siya bilang isang Education graduate at marami nga ang bumatikos sa kanya

- Sinagot naman niya ang mga nagsasabing sinayang niya lang umano ang pinag-aralan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang kwento bilang isang graduate ng kursong Bachelor in Secondary Education Major in English sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Biñan.

Nalaman ng KAMI na mula sa pagiging Education graduate, pinili ni Paul Lea Isabelo na maging manager ng isang sikat na fast food restaurant.

Ayon sa Facebook post ng Educ Problems, may mga nagsasabi kay Paul na sayang lang ang mga pinag-aralan niya dahil hindi niya ito nagagamit sa kanyang trabaho ngayon.

“From an Education Graduate to a Manager. Sino nga naman mag-aakala na mag-iiba ko ng tinatahak? Haha While my friends are pursuing their teaching career, here I am, pursuing the other way. And yes, I'm proud of myself!” sabi sa post.

Ayon sa ulat ng Definitely Filipino, ipinaliwanag naman ng netizen na hindi nasayang ang kanyang pinag-aralan dahil lang sa iba ang kanyang tinahak na trabaho.

“I'm posting this not to brag, but to remind everyone that not because someone took the other way it means sayang na yung pinag-aralan,” sabi niya.

“Mas sayang yung nagtapos ka ng pag-aaral pero mas pinili mo maging tambay. At mas sayang din yung nagttrabaho ka pero di ka naman talaga masaya sa ginagawa mo,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa kay Paul, hindi natigil ang kanyang pagiging guro at nagagamit pa rin niya ito sa kanyang trabaho.

“Hindi naman nagtatapos ang pagiging isang guro ko. I'm still in a room looking for improvement into someone and guiding them to become a better one, while them helping me also to become a better person. Give and take pa din, like a student and a teacher. Yes, not my students but our crews,” giit niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming mga netizens naman ang natuwa at agree sa mga sinabi ni Paul. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Very well said madam. As long as you have the courage of helping improving each and everyone. You will always a teacher for them.”
“I am a Graduate of Bsed major in Mapeh. After taking the board exam. Nde ako nakapasa. But still i am proud that a am part of store operation team until now. From store crew to OIC and Supervisor.”
“I'm proud of you mam. No matter what you've than as a degree holder you keep it the way you inpower your knowledge to teach, not the student but the crews on your team. I salute and kudos you from the bottom of my heart”
“true, I also resign not to stop but to learn another lesson & know more... I salute you ma'am for being true to yourself...”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel