Mana sa ama: Anak ni Idol Raffy, tinulungan ang babaeng pasan ang 80-anyos na ina
- Papasok lamang daw sa trabaho si Ryan Tulfo ang anak ni Raffy Tulfo nang makita ang mag-inang tumatawid sa may Timog Avenue
- Makikitang hirap ang ina sa pagpasan sa 80-anyos na ina na di na makalakad
- Isinama ng anak ni Idol Raffy ang dalawa upang maipamili at mapakain
- Bukod sa wheelchair na napakalaking tulong na sa mag-ina, binilhan din sila ng mga damit at groceries na kakailanganin nila sa araw-araw
- Emosyonal na nagpasalamat ang mag-ina sa di inaasahang tulong sa kanila ni Ryan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masasabing likas na sa pamilya ni Tulfo ang pagtulong. Gaya na lamang ng ginawa ni Ryan Tulfo, anak ni Raffy Tulfo sa nakita niyang mag-inang tumatawid sa kahabaan ng Timog Avenue.
Kwento ni Ryan, papasok siya sa trabaho nang makita niyang papatawid ang anak na pasan ang matanda na kanya palang ina.
Bumaba ng sasakyan si Ryan at kinumusta ang dalawa.
Nang makita niya ang kalagayan ng mga ito, inimbitahan niya silang kumain.
Nakilala niya si Teresa ang anak ng 80-anyos na matandang si Teresita.
Bagaman at 8 ang anak ni Nanay Teresita, malapit siya kay Teresa na bunso niyang anak.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Hirap din sa buhay ang ibang kapatid ni Teresa kaya naman siya na rin ang kumupkop sa ina.
Nagpa-parking lamang daw ang anak at nangangalakal sa lugar kung saan sila natagpuan ni Ryan.
Di na makalakad ang ina kaya naman pasan niya lagi ito saan man sila magpunta.
Dahil dito, di nagdalawang isip na bahagian ng biyaya ang mag-ina.
Una niyang binilhan ng wheelchair si Nany Teresita. Binilhan niya rin ito ng mga damit at bagong tsinelas at kumain pa sila sa marap ng restaurant.
Di rito nagtatapos ang pagtulong ni Ryan. Ipinamili pa niya ang mag-ina ng groceries upang masigurong may kakainin ang dalawa at may magagamit sa pangaraw-araw.
Bago umuwi, emosyonal na nagpasalamat ang mag-ina sa kabutihan ni Ryan dahil napakalaking bagay na raw ito para sa kanila.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang kabuuan ng video:
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words
Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh