Bride, iniwan sa mismong kasal ng groom na hindi pala bilyonaryo

Bride, iniwan sa mismong kasal ng groom na hindi pala bilyonaryo

- Inakala ng bride na sinuwerte na siya at pinakasalan siya ng isang bilyonaryo

- Napaniwala siya nito na marami itong ari-arian at ang paglabas pasok nito ng bansa ay di problema

- Sa mismong araw ng kasal, tumakas ang groom sa pagsasabing mayroon daw siyang importanteng business meeting

- 'Di na muli nakita ng bride ang groom mula nang tumakas ito sa kasalan

- Iniwan din ng groom ang malaking pagkakautang nila sa mga organizers ng kanilang kasal na umabot sa 3.5 million baht o nasa 6 million pesos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Luhaan ang isang bride sa kanya mismong kasal nang iwan siya ng groom sa sana'y espesyal na araw nilang ito.

Sa binahaging kwento ng Buzzflare, inakala ng 30 taong gulang na bride na si Nat na bilyonaryo ang kanyang 50-anyos na groom na si Da.

Sa pagkakaalam ni Nat, nagmamay-ari ng kompanya si Da ng mga nago-operate ng chartered flights patungong Hong Kong.

Kaya naman nang inaya siya nitong magpakasal, panatag ang loob niyang maayos ang kanyang magiging buhay.

Nalaman ng KAMI na magarbo ang kasalan dahil ginanap ito sa sosyal na hotel sa Thailand ang Alvarez Hotel sa Buri Ram.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bride, iniwan sa mismong kasal ng groom na hindi pala bilyonaryo
source: Facebook (Aui Doungruethai)
Source: Facebook

Ayon sa Bangkok post, maging ang may-ari nitong si Wasant Thepnakhon ay napaniwala ni Da na mayaman siya.

Kaya naman hindi na muna ito nag-atubiling manghingi ng paunang bayad.

Sa mismong reception ng kasal nag-iwan naman si Nat ng cashier's cheque na nagkakahalaga ng 1.6 million baht o nasa 2.7 million pesos bilang dowry.

Ngunit pagpatak ng reception, nakatanggap daw ng tawag si Da at nagsasabing may importante itong lakad patungong Hong Kong.

Ang problema, tangay din ng groom ang nasa 2.7 million pesos ng dowry ng bride.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang matapos ang kasalan, sinusubukan na rin ng hotel na tawagan si Da upang ayusin ang mga bayarin ngunit patay na ang cellphone nito.

Labis na nanlumo ang bride dahil sa kanya na naiwan ang pagkakautang sa ginastos nila sa kasal na umabot ng 3.5 million baht o nasa 6 million pesos.

Dumagdag pa kasi ito sa mga resposibilidad ng bride na bread winner pala ng kanilang pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica