53-anyos na kasambahay, nagnakaw agad ng pera at gamit sa unang araw

53-anyos na kasambahay, nagnakaw agad ng pera at gamit sa unang araw

- Sapul sa cctv ang pagnanakaw ng isang 53-anyos na kasambahay

- Inakala ng may bahay na maayos ang kasamahin na ito ngunit nagkamali siya

- Unang araw pa lang, lumalabas na ang motibo talaga nito ay ang pagnanakaw

- Tinatayang mahigit ₱50,000 ang mga nawalang pera at mga mamahaling gamit ng biktima

- Nakatakas ang suspek sa pamamagitan lamang ng pagsakay ng tricycle

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ng may-ari ng bahay na si Kirsten Saguinsin nang umalis agad ang kanyang 53 anyos na kasambahay.

Ayon sa ABS-CBN news, masaya pa raw noon ang amo sa pag-aakalaang mabait ang nakuha nilang kasambahay na si Josie De Guzman.

Dahil may cctv ang bahay, kitang-kita kung paano mabilis na nabuksan ni De Guzman ang bag ng amo, wala pang isang minuto mula nang ito ay lumabas sa bahay.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nakuha nito ang perang nagkakahalaga ng ₱2,000 at cellphone na nasa ₱40,000 ang presyo.

Bukod dito, natangay din ng kasambahay ang ilang alahas ng amo kaya naman aabot daw ito sa mahigit ₱55,000 ang lahat ng nanakaw ng suspek.

Nang tanungin ni Saguinsin ang taong nagdala kay De Guzman sa kanila, umamin itong di niya ito lubusang kilala.

53-anyos na kasambahay, nagnakaw agad ng pera at gamit sa unang araw

source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakita rin sa cctv ang kaswal na pagtakas ni De Guzman na sumkay lamang ng tricycle sa Pasay city.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa suspek.

Magsilbing babala ito sa mga kumukuha ng kasambahay lalo pa at di ito lubusang kilala.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel