Batang nasunugan ng bahay, inulan ng tulong mula sa kanyang mga kaklase

Batang nasunugan ng bahay, inulan ng tulong mula sa kanyang mga kaklase

- Labis ang saya ng Grade three student na sinurpresa ng kanyang mga kaklase

- Nasunugan kasi ng tahanan ang bata kaya naisipan ng kanyang mga kaklase na magdala ng mga laruang ibibigay sa kanya

- Wala nang naisalba pa sa bahay ng bata kaya naman ang mga laruang donasyon ng mga kamag-aral ang nagpasaya sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Grade three student si Daniel Hunt mula Tennessee ang nasunugan ng tahanan noong Setyembre 21.

Ayon sa ABC news, naisipan daw ng mga guro at kaklase ni Daniel na i-surpresa siya upang maibsan ang mapait na pangyayari sa kanilang pamilya.

Kaya naman pinagdala ng guro ni Daniel ang iba nitong estudyante ng mga laruang maaring ibigay sa kaklase.

Excited din naman tumulong ang mga kaklase ni Daniel na naitago ang sikreto ng kanilang klase sa loob ng ilang araw.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang dumating na ang araw ng pagsurpresa sa 8 taong gulang na bata, wala itong nagawa kundi ang buksan ang kanyang mga braso bilang hudyat ng pagyakap sa mga kaklase niyang nagpaabot ng tulong.

Emosyonal maging ang mga guro at ibang staff sa paaralan ni Daniel dahil sa bakas ang pagbibigayan at pagmamahalan sa kanilang mga estudyante.

Sa Facebook post naman ng lola ni Daniel, sinabi nitong labis-labis ang kaligayahan ng kanyang apo.

Mapa-malaki o maliit ang mga laruan, kinakitaan niya ng kaligayahan ang apo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Daily News Today.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel