Aktwal na pananakit ng enforcer sa lalaking flat ang gulong ng kotse, sapul sa video

Aktwal na pananakit ng enforcer sa lalaking flat ang gulong ng kotse, sapul sa video

- Nakunan ng video ang di umano'y pananapak ng isang traffic enforcer sa lalaking na-flat ang gulong ng sasakyan

- Agad na nag-viral ang post ng motoristang sinaktan daw ng enforcer dahil sa di raw makatwiran ang pananakit nito

- Isinalaysay ng motorista ang buong pangyayari na imbis daw kasi tulungan siya, nauwi pa ito sa di magandang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang di umano'y pagmumura at pananakit ng isang traffic enforcer sa lalaking na-flat ang gulong ng sasakyan.

Wala pa mang 24 oras mula nang mai-post, agad na nag-viral ang video na binahagi ng netizen na si Zaldy Eugenio.

Ayon sa salaysay ni Zaldy, na-flat ang gulong ng kanyang sasakyan bandang alas-9 ng umaga sa Scout Chuatoco, likod lamang ng Amoranto stadium.

Pinapalitan naman na niya ito nang may lumapit sa kanyang traffic enforcers at tinanong kung gaano raw katagal ni Zaldy maaayos ito.

Sumagot naman ang motorista at sinabing 15 hanggang 30 minutos.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa enforcer, may daraan daw kasi roon na 'VIP' kaya kailangang matapos ang pagpapalit ng gulong sa loob ng 15 minutos. Kung hindi, mabibigyan ng ticket si Zaldy at mare-wrecker pa raw ang sasakyan nito.

Dahil sa mukhang malabo daw matapos ng motorista ang pagpapalit ng gulong sa loob ng 15 minutos, nasambit ni Zaldy sa enforcer ang "kung gusto niyo tulungan nyo nalang ako dito para mapabilis."

Aminado ang motorista na tila minasama raw ito ng enforcer at doon na nagsimula na raw siyang murahin nito.

Nang palibutan na raw ng iba pang kasama nito si Zaldy, naisipan na niyang kunin ang kanyang cellphone.

Nakilala ang enforcer na di umano'y umatake kay Zaldy na si Danilo Dr. Usi.

Sapul sa video ang pagtilapon ng cellphone dahil sa pananapak ng enforcer.

Bukod dito, nabigyan din siya ng ticket sa violation daw niyang obstruction.

Samantala, di naiwasang maglabas ng saloobin ng mga netizen sa kanilang nakita sa video.

Karamihan ay nagsasabing di makatarungan ang ginawa ng mga enforcers na nararapat lamang daw na bigyan din ng leksyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Valid reason naman bakit nakaharang siya. tulungan nio di yung manununtok pa kayo."
"Pag naflat tire ka ngayon ay parang nakagawa kang krimen, pinalibotan ng enforcer, wala man lang nag volunteer na tulongan yung tao, sinapak pa."
"Justice po sa ginawa ng mga Tao itu."
"May dahilan naman kaya naka hinto sasakyan,ang tapang mo kasi madami ka kasama imbes na i assist nyo susuntukin mo pa,kahit may dumaan vip hindi nmn ginusto nung tao masiraan sa daan"
"May nka lagay na xa na warning sign dpat ginagwa nila inaalalayan ung nasiraan sila pa matatapang..kahit nmn VIP dadaan jan maiintindihan yang sitwasyon ng na flatan..i report po ninyo mga abusado na masydo."
"Tanggalin na sa serbisyo mga yan masama na ba ma platan ngaun sino ba gsto ma plat ang sasakyan at makaabala sa daan dapat mg asisst cĺa at tumulong"
"Lagot ka tanggal ka trabaho nyan,imbes na tumulong ka sa nagpapasweldo sa yo nag mayabang kapa.kalamo presidente kung makaasta."

Umabot na sa halos 2 million ang views ng viral video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica