Suspek sa brutal na pagkamatay ni PMA Cadet Darwin Dormitorio, nadagdagan pa

Suspek sa brutal na pagkamatay ni PMA Cadet Darwin Dormitorio, nadagdagan pa

-Mula sa anim, pito na ang mga suspek sa pagkamatay ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

-Isang 'di pa pinapangalanang suspek ang nadagdag dito ayon sa mga pulis ngayong Linggo

-Magsasampa ng kaso ang pamilya ni Darwin sa Baguio court sa lahat ng mga mapapatunayang sangkot sa hazing na ikinamatay ni Dormitorio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula sa anim, pito na ang suspek sa brutal na pagkamatay ni Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ito ang naging pahayag ng mga pulis ngayong Linggo, base sa ulat ng ABS-CBN News.

Magsasampa ng kaso ang pamilya Dormitorio sa Baguio court laban sa lahat ng mga suspek sa pagkamatay ni Darwin.

Sa isang ulat ng KAMI, nananawagan ng patuloy na suporta at panalangin ang pamilya. Hindi raw sila titigil hanggang sa makamit ang hustisya para kay Darwin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Namatay si Darwin noong September 18, 5:15 ng umaga dahil sa hazing ayon sa pulisya.

Isang timeline pa ang inilahad ng mga awtoridad sa huling 24 oras nito base sa mga nakalap na impormasyon at sa 14 na saksi na nagbigay ng salaysay.

Napag-alamang bago mamatay, na-ospital pa ito ng tatlong beses at dumaing ng pananakit ng dibdib at tiyan.

Ngunit ayon sa kapatid ni Darwin, hindi sila sinabihan ng PMA sa mga oras na nasa ospital ang nasawing kadete.

Isang liham mula kay Darwin lang ang natanggap ng pamilya na nagsabing na-confine ito noong Agosto.

Inilibing si Darwin noong Miyerkules sa Cagayan de Oro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel