Kalupitang sinapit, naisulat pa ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio
- Sa isang liham na isinulat ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, naibahagi pa nito ang kalupitang sinapit mula sa mga kasamahang kadete
- Bukod dito, lumabas din mula sa imbestigasyon kaugnay nito ang ilan pang kalunos-lunos na sinapit nito
- Mula sa tatlo, limang suspek na ang sasampahan ng kaso dahil sa pagkamatay ni Dormitorio
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Sa isang liham mula sa yumaong si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, naibahagi pa nito ang ilan sa mga pangmamaltrato na naranasan mula sa mga kasamahang kadete.
Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni Dormitorio na noong Agosto 19, 9:00 ng gabi nang tanungin daw sila ng kanilang mga upperclass men kung magkano na lang nag natitira sa kanilang mga allowance.
Sinabi ni Dormitorio na inutusan daw siya nina 3rd class Shalimar Imperial, 3rd class Felix Lumbag na gawin ang ilang mga exercises matapos niyang sabihin na naubos na niya ang kalahati ng kanyang allowance.
Makailang beses daw itong bumagsak sa sahig habang ginagawa ang exercise na tinatawag na bridge under bunk.
Dahil dito, nagalit daw si Cadet Lumbag at pinataas daw ang kanyang dalawang mga kamay tsaka siya pinalo ng ilang beses sa tadyang.
"19 Aug 2019 about 2100H in the evening. The 4th class of Echo Company he told to signify the allowance in order to track the allowance spending of plebes," ayon sa liham ni Dormitorio.
"I already spent half of my allowance and it was an offense to my buddies namely Cadet Imperial, Cadet Lumbag" sabi pa nito.
"I fell from bridge under bunk many times and hit the floor many times. Cadet Lumbag was very angry and made me raise my arm up high and punched me in the body in the rib part. I was hit a few times more after," dagdag pa nito.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Ang nasabing liham isinulat ni Dormitorio noong Agosto habang iniimbestigahan ng Philippine Military Academy (PMA) ang tungkol sa kanyang pagkaka-confine sa ospital.
Ayon pa sa imbestigador, mayroon nang isang taong suspensyon si Cadet Lumbag dahil dito at nakadeklarang off-limits sa mga plebo partikular na kay Dormitorio.
“One of our suspects, si Cadet Lumbag, was already recommended for one-year suspension but sadly, before it was enforced, ‘yun nga, he was declared off-limits to plebes especially kay Cadet Dormitorio," ayon kay Police Colonel Allen Rae Co, hepe ng Baguio City Police.
Bukod dito, nakaranas din ng pangmamaltrato si Dormitorio noong Setyembre 17, isang araw bago siya mamatay, mula kina Cadet Imperial at Cadet Lumbag.
Ito raw ay dahil inutusan daw ang dalawa ni 1st class Axl Rey Sanupao na pahirapan si Dormitorio dahil hindi mailabas ng huli ang combat boots na ibinilin nito.
Base sa mga lumabas na ulat, noong araw din na iyon ay nagpunta sa ospital si Dormitorio dahil sa pananakit ng tiyan ngunit na-discharge din matapos ma-diagnose na mayroong urinary track infection o UTI ayon sa doktor na sumuri rito.
Kinagabihan, nakaranas muli ito ng pagmamaltrato mula sa dalawa pang kadete. Isa rito ay sinipa sa ulo si Dormitorio habang ang isa naman ay kinunyete ito sa maselang bahagi ng katawan gamit ang isang flashlight taser na isinumite na sa PNP.
Base na rin ang mga ito sa 14 na mga saksi na pinanumpaan na ang mga naging salaysay.
Ayon sa ilang ulat, nasa kustodiya na ng mga pulis ang limang suspek na sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law.
Sa isa pang ulat ng , inilahad ng pamilya Dormitorio ang kalunos-lunos na resulta ng autopsy sa katawan ng yumaong kadete.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI
Source: KAMI.com.gh