Nobya ng PMA cadet na namatay sa hazing, ibinahagi ang huling mensahe nito

Nobya ng PMA cadet na namatay sa hazing, ibinahagi ang huling mensahe nito

- Sa pamamagitan ng Facebook Messenger, nakapag-mensahe pa si Darwin Dormitorio sa kanyang nobya noong una itong na-confine sa PMA Hospital

- Masakit para rito ang pagpanaw ng nobyo at hindi handa sa mapait na sinapit nito

- Ayon dito at sa ilang kaibigan ng yumaong kadete, ang pagpasok sa PMA ay matagal nang pinaghandaan ni Darwin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa pamamagitan Facebook Messenger, nakapag-mensahe pa si Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa kanyang nobya na si Ashley Ravidas.

Sa isang report mula sa Rappler (Author Bobby Lagsa), sinabi ni Ashley na nag-message sa kanya ang nobyo noong August habang nasa PMA Hospital ito mula sa FB Messenger ng Squad leader nito.

"He told me he was okay, that [there's] nothing to worry about," ani Ashley.

"We both knew how hard the training in the PMA was. I had supported him, he was briefed by his dad on how hard it would be, but we didn't know it would be this hard," dagdag pa ng dalaga.

Bago nito, isang liham rin ang ipinadala ni Darwin sa kanyang mga magulang na nagsasabing maayos lamang ang lagay nito, na una nang naibalita ng .

Nagkakilala si Darwin at Ahsley nang pumasok ang mga ito bilang Grade 11 Senior high school students sa Xavier University.

"He took up agriculture engineering in Xavier University because it was his backup plan in case he couldn't enter the PMA," kwento pa ni Ashley.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon kay Ashley at sa mga kaibigan ni Darwin, ang pagpasok sa PMA ay matagal nang gusto at pinaghandaan ng binata.

"Ever since we [were] in high school, all he ever wanted was to be in the PMA, and he pursued that with passion," ayon kay Glymer Hibaya, isa sa mga matagal nang kaibigan ni Darwin.

Sabi pa ni Ashley, aktibo ang yumaong nobyo sa mga physical fitness activities.

"He would spend hours playing basketball with his best friends," anito.

"They would play basketball all the time because it provided them physical strength," sabi naman ni Glymer.

Si Darwin ay isang patriot na ang nais lamang ay magkaroon ng kontribusyon sa pagbabago na kailangan sa bansa ayon kay Ashley.

"He was an optimist [who believed] that we could change this country, that we could contribute to that change," anito.

Sabi pa nito, naniniwala ang nobyo na ang pagbabago ay magsisimula kung makikita lamang ng bawat isa ang kabutihan sa isa't-isa.

Si Darwin ang PMA cadet na namatay noong September 18 sa loob ng barracks nito dahil sa hazing na una nang naibalita ng .

Tatlong kadete ang itinuturing na suspek sa ngayon habang dalawa pang "person of interest" ang iniimbestigahan pa at siyam na iba ang nagsisilbing witness ayon sa mga ulat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone