OFW na iniwan ng asawa, sinuwerte naman sa amo dahil sa 6 niyang anak
- Tunay na nakaka-inspire ang unang bahagi ng kwento ng OFW na si Michelle Villanueva
- Sa ikalawang bahagi nito, binahagi naman niya ang karanasan niya bilang OFW sa Saudi Arabia
- Maari raw na minalas siya sa pag-ibig, ngunit sinuwerte naman daw siya sa amo na nagmamalasakit na rin sa kanyang anim na anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Una nang naibahagi ng KAMI ang nakakaantig ng puso na kwento ng OFW na si Michelle Villanueva.
Marami ang na-inspire sa kwento ni Michelle kung saan kinaya niyang buhayin ang anim na anak sa kabila ng kalupitang sinapit niya sa kanyang asawa.
Sa unang bahagi rin ng kanyang kwento, nabanggit niyang di naging maayos ang trato sa kanya ng kanyang amo.
Ngunit nagbago raw lahat nang ito nang malaman ng kanyang amo na si Michelle lamang daw ang mag-isang nagtataguyod sa anim niyang mga anak sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Tila dininig daw ng Diyos ang kanyang panalangin na sana ay haplusin nito ang puso ng kanyang amo upang maging makatao na ang pagtrato sa kanya.
Kalaunan, isinasama na siya sa mall at pinamimili nila ang mga anak ni Michelle upang maipadala ito sa Pilipinas.
Mahilig din daw sa bata ang kanyang amo kaya naman taon-taon na ang pagpapadala nito ng bagahe para lamang sa mga anak ng OFW.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang kabuuan ng kwento ni Michelle na binahagi niya sa KAMI:
"Nasa Saudi po ako, Pwide ko Rin po ikwinto sa Inyo Kong Anu dinanas ko dto at Kong paanu ko napaamo Ang mga amo ko.
Ganito po yon,Pag dating ko dito ibang amo po dinalhan sakin dun po subra bait ng naging madam ko piro Lima apat na lalaki Ang kasama sa isang bahay at iisa Lang Ang madam ko na babae Wala pong lock Ang pinto NG room ko Kaya subra po akong natatakot na baka Anu mangyari sakin hinde po makatulog kase kunting kaloskos Lang takot na ako.
May cp po ako piro dko magamit kase po Wala akong sim card, Gusto Kona tumawag sa agency kase iba na pakiramdam mo sa bahay na yon piro Wala ako magawa at Alam ko hinde sila Ang mga amo ko.
Isang Gabi po Yun na po nangyari pinasok po ako ng Isa Kong amo 9 days palang ako dun piro lumaban po ako kahit Ang sakit na ng mga kamay ko ginawa ko lahat malabanan Lang sya Kaya hinde natuloy Ang balak nya konabukasan lumapit na ako sa madam ko at umiiyak hinde ko masabi Ang ginawa ng kapatid nya sakin kase naisip ko Rin baka ibaliktad nila ako Kaya Sabi ko nalang gusto ko ibalik nila ako sa agency ko
Kahit Anu gawin nila ayaw Kona papigil nag impaki ako saka bigla dumating Ang isa pa nila kapatid siñabi nya sakin na parating na daw Ang totoo Kong amo
Yon na nga po kinuha ako ng amo ko na totoo piro pag dating ko dto iba Ang naging Turing sakin daig kopa Ang hayop.
Hinde ako binibigyan ng pagkain, Tatlong bahay Ang nililinis ko sa amo ko at sa dalawa nyang anak na may pamilya na
Alam mo ba Yong pakiramdam na sa TV at Facebook kolang nakkta piro nangyayari sa akin Yong tinatapon na nila sa basurahan pagka talikod nila kinukuha ko tinatago at dun ko kinakain sa cr
Pati Yong mga pinag kainan nila sinisimot ko yon nilalagay sa plastik dinadala ko sa room ko o di Kaya sa cr dun ko kinakain minsan sinasampal ko sarili ko kinukurot baka sakaling nananaginip lang ako.
Piro nung one month na ako dto lagpas na sahod ko piro ayaw Nila ibigay yon po umiiyak nanaman ako sa amo ko saka ko kinuwinto sa kanila na marami àko anak at ako Lang bumubuhay sa mga anak ko dahil walang supurta Ang tatay nila
Yon po bigla naawa sakin Ang amo ko..sa araw araw Gabi Gabi ko pinag dadasal na Sana haplusin ng dyos Ang puso nila dininig po NG dyos Ang panalangin ko bumait Ang mga amo ko sakin binili nila ako ng cp at nung 6 months palang ako sinama nila ako sa mall pinapili ng Kong Anu gusto ko ipadala sa mga anak ko Ang Saya Saya ko po lahat ng nagustuhan ko para sa anak ko kinuha ko.
Mula noon taon taon sila nag papadala ng package sa mga anak ko parang pamilya Ang turing nila sakin
Mahilig kase sila sa Bata Kaya dahil din sa mga anak ko Kaya sila naging mabait sakin
Yon Lang po salamat..."
Kaya naman sa kabila ng mapapait na nangyari sa kanyang buhay may-asawa at sa unang mga buwan ng kanyang pangingibang-bansa, nabago lahat ng ito dala raw ng dasal at siyempre ang kabutihan at kasipagang ipinakita niya sa kanyang mga amo.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh