Misis, tumanggi na may kabit; kalaguyo niya, napaamin ng staff ni Tulfo

Misis, tumanggi na may kabit; kalaguyo niya, napaamin ng staff ni Tulfo

- Umiiyak na dumulog ang mister ng isang OFW na nagkaroon na ng ibang lalaki

- Una nang tumanggi si misis sa mga akusasyon ni mister

- Ngunit ang kabit pala nito ay una nang napaamin ng staff ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na dumulog sa programang Wanted sa Radyo ang mister na si Jumar Limos.

Inireklamo nito ang misis na si Kathleen Mae Limos na mayroon na raw ibang lalaki.

Mas pinipili pa raw ni misis ang makausap ang kalaguyo nito na si Jeffrey De Castro, driver sa agency ni misis na isa palang OFW sa Saudi.

Una nang itinanggi ni Kathleen ang mga sinabi ni Jumar bagamat ilang ebidensiya ang ipinakita ni mister laban dito.

Ilang conversation mula sa social media ng dalawa na naglalaman ng mga "sweet" na mensahe para isa't isa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Gumagamit rin ang dalawa ng mga terms of endearment tulad ng "asawa ko" at "babe".

Sa kabila nito, todo tanggi pa rin si Kathleen at iginiit na kaibigan lamang ang lalaki.

Ngunit ang hindi nito alam ay nauna na palang umamin si Jeffrey sa staff ng programa.

Wala nang nagawa pa ang dalawa kung hindi ang aminin na lang ang kanilang relasyon.

Pero resbak ni misis, nagawa lang niya ito dahil sa pangbababae ni Jumar noon.

Mahigpit rin daw sa kanya ang mister at lahat na lang ay pinagseselosan.

Dahil umamin rin si Jumar sa pagkakamali noon, susubukan na lang daw ni Raffy Tulfo na pag-ayusin pa ang dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel